NBA postseason matchups plantsado na! 

NBA postseason matchups plantsado na! 

NBA

NBA postseason matchups plantsado na! 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Plantsado na ang lahat ng  postseason matchups sa kapwa komperensiya kasunod ng mga laro noong Miyerkoles maliban sa kung sino ang makakaharap sa  West's top-seeded Los Angeles Lakers sa unang ikutan.   
 
Ang Portland Trail Blazers (34-39), Memphis Grizzlies (33-39), Phoenix Suns (33-39) at  San Antonio Spurs (32-38) sila'y may mga tiyansa pang sumabak sa play-in series para madetermina ang pangwalong posisyon sa  West papasok sa pang-Huwebes na pivotal slate ng mga asignatura. Tinalo ng   Suns ang Mavericks,  8-0 sa NBA seeding games, hintay na lamang sa play-in tournament fate ng Suns (34-39) na naitala ang pinakamahabang  winning streak buhat noong 2009-10 season nang maiposte ang sampung  magkakasunod na panalo. 
 
Kung matalo ng Nets ang Blazers, ang Suns ay kahit papapano ay makakahugot ng oportunidad na mabasag ang kanilang tagtuyot. Kailangan nilang daigin ang  Memphis ng dalawang beses sa  play-in para makabalik sa postseason, pero ang  Grizzlies ay hindi kapareho ng tropang may  3-1 laban sa kanila. 
 
Sa Memphis. wala sa kanila ang mga injured na sina Jaren Jackson Jr. (knee), Tyus Jones (knee) at Justise Winslow (hip). Ang Grizzlies ay 2-6 sa bubble habang ang Suns ay 8-0 sa pamumuno ni Devin Booker.
 
Kung matalo ang Blazers, aangat ang Suns sa play-in at kailangang gibain ang Memphis ng dalawang beses para makuha ang ikawalong puwesto at final seed sa Western Conference.
 
Isang talo lang ng Grizzlies ang magiging katapusan na ng kanilang  season. Ang Game 1 ay Sabado,  11:30 a.m. sa ABC at Game 2, kung kinakailangan Linggo,  1:30 p.m. sa ESPN. Ang laro at idaraos sa The Field House.
 
Kung manalo ang Blazers, tapos na ang season ng Phoenix.
 
Nahablot ng  LA Clippers ang ikalawang upuan sa  West bitbit ang 124-111 win kontra  Denver Nuggets, na nakakandado sa  third seed. Haharapin ng Clippers (48-23) ang seventh-seeded Dallas Mavericks (43-31) gaya ng dapat asahan, ay ikinasa ang maintrigang  matchup sa pagitan ng isa sa malagkit na mga depensa sa liga na inangklahan nina  Kawhi Leonard at Paul George laban sa pinaka episyenteng opensa sa kasaysayan sa NBA na pinalakas nina Luka Doncic at  Kristaps Porzingis. Ang Mavericks ay umiskor ng 116.1 points per 100 possessions. Ang serye sa West na may pinaka potensyal para sa drama at plot twists sa pagitan ng Oklahoma City Thunder (44-27) at Houston Rockets (44-27). 
 
Si Rockets guard Russell Westbrook, na ang estado sa pagsisimula ng playoffs ay matigtig sanhi ng strained muscle sa kanyang kanang  quadriceps,   sasagupain ang  Thunder, kanyang dating  team, kung makakalaro at OKC guard Chris Paul ay muling makakasama ang kanyang  ex-Rockets teammates. Lider ang Thunder sa season series 2-1.  (LP/NBA)