Allen Iverson mayroong $32 million trust fund?

Allen Iverson mayroong $32 million trust fund?

NBA

Allen Iverson mayroong $32 million trust fund?

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Happy 45th Birthday Allen Iverson...
Milyonaryo pa rin pagsapit ng 55th , Ngayon ang ika-45 kaarawan ni dating NBA star Allen Iverson.Markadong araw sa buhay ng isang tao, ngunit mas espesyal na makabuluhan ang lahat para kay Allen sa dalawang rason: 
 
#1) Ngayon masisimulan na niyang iguhit mula sa NBA pension na napaulat na magbabayad ng  $8,000 kada buwan (o pwedeng bayaran sa isang buhusan na $1.5 million lump sum). 
 
#2) Dahil sa ngayong araw ay  10 taon na lang ay pinal nang mamanahin ni Allen Iverson  ang infamous $32 million trust fund na inilagak ng  Reebok noong taong  2001. 
 
Inistablisa ang  trust fund sa  distribution date na June 7, 2030. Ang ika-55 kaarawan ni  Allen.
 
 
Paano naisaayos ang ganitong sistema?  Aktuwal ba na ganito ang nararapat na  financial move? Makukuha ba ni Allen ang buong pondo o makakakuha ng kalahati ang kanyang misis?  Alamin natin ang kasagutan.
 
Simulan natin ang unang tanong:
 
Sa unang punto,  paano ang pagtakda ng pagkuha ng  Trust Fund?
 
Sa higit na 15 seasons sa NBA, si Allen ay kumita ng $155 million sa NBA salary at roughly $50 – $100 million buhat sa mga iniindorsong produkto.
Na umaabot sa kabuuang career earnings na hanggang $200 – $250 million. 
 
Ang pinakamayorya ng kanyang endorsement income ay nanggaling mula sa shoe company na Reebok. Lumagda si Allen ng kanyang unang  Reebok contract taong 1996 kaagad matapos na kunin siya ng 76ers  bilang  #1 pick sa NBA draft. Yang unang kontrata ay nagkakahalaga ng  $50 million sa loob ng 10 taon o $5 million per year.
 
Matapos tanghaling 2001 NBA MVP award, nag-usap si Allen at Reebok tungkol sa hinaharap.  Bagamat may natitira pa siyang  limang taon sa nasabing orihinal na deal, gusto ng Reebok na si  Allen Iverson ay kanilang business forever.
 
Kayat hinagupit ang bagong deal. Isang nqpaka-unique deal salamat sa tatlong mahalagang termino:
 
1) Si Allen ay babayaran ng $800,000 per year habang buhay. 
 
2) Patuloy na kikita si Allen ng $5-10 million per year para sa nalalabi niyang professional career.
 
3) Isasantabi ng Reebok ang $32 million sa isang trust fund para kay Allen at mamanahin nya ito sa  pagtuntong ng kanyang 55th birthday, o pang 29 taong kabuuan mula ngayon. 
 
Napaulat na noon si Iverson ay nagawang magbuhay-hari sa kasagsagan ng kanyang kasikatan at nalunod ng husto at sinasabing namulubi at na-bankrupt ang kaban ng kanyang lukbutan matapos malulong sa maraming bisyo, tulad ng pagkasugapa sa sugal, babae at lalong nawindang nang magdiborsiyo sila ng kanyang misis na si Tawanna at kunin ang kostudiya ng kanyang limang anak. ( LP)