PBA Finals : Meralco-Ginebra: Salpukan ng magkaibang diskarte!

PBA Finals : Meralco-Ginebra: Salpukan ng magkaibang diskarte!

PBA Finals : Meralco-Ginebra: Salpukan ng magkaibang diskarte!

PBA Finals : Meralco-Ginebra: Salpukan ng magkaibang diskarte!

Opensiba kontra depensiba.

Sa teknikal na aspeto, ganito ang magiging hilatsa sa ikatlong pasabog sa pagitan ng bakbakang Barangay Ginebra-Meralco Martes sa Smart Araneta Coliseum.

Sa stats nakamarka ang bentahe ng Kings sa departamento ng opensa kapit ang lahat ng kanilang armas, gayunman nasisilip ang Bolts na magaling na team sa kabilang dulo.

Ito ang magiging factor da lahat ng rekado ay isasalang sa pinakaabangang Ginebra-Meralco III.

Ang Ginebra ay No. 3 sa torneo sa pag iskor ng 105.3 points per game kumpara sa Meralco's 98.5 sa laro pero ang Bolts ay tersera sa puntos na may 90.8 kontra sa 99.4 ng Gins.

Ang Kings ay una sa field-goal shooting percent para ikasa ang kanilang scoring punch, ngunit ang magkaribal ay halos pantay sa iba pang stats departments, indikasyon na umarya ng todo sa puntusan para sa Ginebra at mapigilan ang Meralco.

Sermon ni Meralco coach Norman Black na ang playing defense ang kanilang maging susi para mahablot ang korona.

Sa panig ni Ginebra counterpart Tim Cone gusto niyang ituon ang tropa sa depensa ang tindi ng kanilang laro gayunman higit ang gamit nila bilang scoring team na may pamatay na sandata buhat kina Justin Brownlee, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Greg Slaughter, Jeff Chan, Scottie Thompson at Art dela Cruz.

Pero may mapapatunayan ang Bolts na magagawa nila ang trabaho sa depensa versus Kings sa kanilang 101-77 paglagok sa elimination war nung Nov. 3.

Ang puntusan ng kanilang imports ay halos patas din.

Si Allen Durham ay kumakabit ng 30.9 points, 15.2 rebounds at 6.5 assists para sa Meralco habang si Justin Brownlee ay may averages na 29.0 points, 13.6 boards, 7.2 dole-outs at 2.0 steals para sa Ginebra.

Ang top locals na dapat abatan para sa Kings ay sina Pringle (16.9 points, 4.4 rebounds at 3.4 assists), Aguilar (13.8 markers, 7.3 boards, 1.8 assists at 1.7 blocks) at Tenorio (13.3 points, 5.3 dish-offs at 4.0 rebounds).

Gayundin kina Slaughter, Chan, Thompson and Dela Cruz na uma- average ng hindi kukulangin sa tig-6.8 points.

Si Durham ay may sariling key local backups mula kina Baser Amer, Chris Newsome, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Bong Quinto at Anjo Caram. (Louis Pangilinan)