Ginebra diniskarga ang Batang Pier sa Game 4

Ginebra diniskarga ang Batang Pier sa Game 4

Ginebra diniskarga ang Batang Pier sa Game 4

  • PBA 
Balik-kampeonato ang Barangay Ginebra Kings - ang puwestong kanilang nakasanayan.
Isang taon matapos na mabura sa PBA Governors Cup finals, nagawang bumalik ng Kings nang idispatsa ang  NorthPort Batang Pier sa tatlong magkasunod na kampanteng panalo.
 
Bitbit ang momentum ng ibayong panalo sa Games Two at Three, maagang pinanday ng Kings ang double-digit lead para iposte ang semis series-clinching 120-107 win sa Smart Araneta Coliseum, Biyernes ng gabi.
 
At pahinga muna ang mga bataan ni coach Tim Cone at maglalaro na lang sa susunod na taon,  Enero 8 para sa kampanyang muling ibalik ang korona na nabigo nilang idepensa nung nakataang taon bago pagharian ng 2 taon sa  season-ending tourney, 2016-17.
 
"Hopefully this is our time again. Each year, nakakakuha kami ng championship, hopefully makuha namin ito," banggit ni Ginebra chief playmaker LA Tenorio na personal na gumiya para tuldukan ang paghahabol ng  Batang Pier sa kanyang 13-point pasabog sa huling kanto. 
 
Tinibag ni Tenorio ang 19 markers sa itaas ng 6 assists at steal, at ng iba pang Ginebra sa kanilang solidong pasada para pangunahan ang  tropa sa maagang pagpasok sa best-of-seven finale.
 
Haharapin nila alinman sa TNT KaTropa o Meralco Bolts.
 
"It's good we're not going to a fifth game," ani Cone.
 
"They shook us a little bit, but we gained our bearing and we're able to play what we wanna play," aniya pa.
 
Tulad ng dapat asahan lumagare si Justin Brownlee na tumubog ng halos triple-double job kalakip ang 36 markers, 19 boards at walong assists habang si Japeth Aguilar ay may sariling all-around game na 20 points, 9  boards at 7  assists.
 
Komolekta si Stanley Pringle ng 18 markers, six boards at four assists, at  maglalaro sa kanyang unang pagsampa sa PBA finals.
 
Si Scottie Thompson ang panglimang Ginebra player na tumusok ng  double-digit output,  14 kaakibat ng  10 boards.
 
Gaya ng laro sa Games Two at Three, hindi makapalag ang Batang Pier sa ipinaing  lakas ng Kings dahil sa kanilang  injury-hit lineup.
 
Matikas sina Christian Standhardinger, Michael Qualls, Sean Anthony at Paolo Taha pero hindi nasuportahan ng iba pa kungsaan nilimitahan ang NorthPort sa three points.
 
Kumaldag si Standhardinger ng 32 points, 15 rebounds at seven assists.
 
Ngunit naubusan ang kanyang pagtatalak kabilang ang 25 puntos ni Qualls. 29-point breakout outing ni Taha at 18 ni Anthony. (Louis Pangilinan)