Bolts,TnT mag-uunahan sa G3  

Bolts,TnT mag-uunahan sa G3  

Bolts,TnT mag-uunahan sa G3

Bolts,TnT mag-uunahan sa G3  

  • PBA
Nagawang makapag-adjust ng Bolts at ito'y kanilang naisakatuparan noong Martes. 
Ngayon,  ito naman ang tsansa ng  TnT na madistrungka ang kanilang oportunidad na makaungos sa Game 3 ng PBA Governors Cup semifinals series Huwebes sa  Smart Araneta Coliseum.
 
Hindi nagawang rumesponde ni KaTropa coach Bong Ravena sa hiling na makapanayam   pero si  star guard Jayson Castro ay nagpaunlak patungkol sa kanyang kuro-kuro kung bakit ang best-of-five duel ay tumabla na may tig-isang panalo talo. 
 
"Kailangan talagang panoorin kung ano nangyari," ani Castro kasunod ng TNT's 94-114 loss sa Game 2 na tinabunan ang 103-94 victory ng KaTropa sa series opener.
 
"It's a series naman, it's long series. Kailangan lang naming mag-adjust sa ginawa nila," ani pa Castro. "Lahat yata ng tira nila pumapasok so ganoon talaga, kailangan naming mag-bounce back sa next game."
 
Gayunman,  hindi eksaktong matukoy ni Castro kung anong ispesipikong taktika ang ikinabit ng Meralco na naging dahilan sa paggiwang ng kanyang KaTropa tulad ng hinaplas nila sa Game 1, nang ibulusok nila ang higit 22 points na ungos kontra 35 puntos na laglag nila sa G2.
 
"Siguro may something na ginawa sila na hindi kami prepared and then outhustled, out-effort, so lahat,"ani Castro. "Siguro i-match lang namin 'yung energy nila and then we'll have a big chance to win next game."
 
Malinaw naman para kay Meralco coach Norman Black kung bakit dumingas ng todo ang kanyang Bolts.
 
"We displayed much better effort tonight, right from the start of the game. We had more focus, more energy. We played a lot more physical than we did in Game 1, and we executed well on offense, particularly in the first half," paniwala ni Black.(Louis Pangilinan)