Ni Louis Pangilinan
Sa larong literal na gahibla ang agwat, kumapit ang La Salle Green Archers hanggang dulo para emeskapo sa talim ng pangil ng UST Growling Tigers, 80-79 Miyerkoles sa UAAP Season 82 men's basketball tournament sa Big Dome.
Mistulang nabunutan ng tinik ang Green Archers matapos itutok ni Rhenz Abando ang desperation jumper may 1.5 seconds ang nalalabi, para ipinta ang two-pointer, tungo sa makalaglag silyang panalo.
Ginamit din ni Andrei Caracut ang heady play, para sa pagtikatik ng orasan makaraang ibato ang bola sa likuran ni Ira Bataller sa magkasunod na inbounds play.
Malaking tagumpay ito para sa La Salle, na napanatili ang sarili sa Final Four race matapos itabla ang standing nito sa 6-6.
"As you know, the standings are really tight, and we're happy that we kind of responded well, the players responded with urgency today," ani coach Gian Nazario.
Umalagwa si Jamie Malonzo sa kanyang 23 points sa 3-of-4 three-point shooting, habang komolekta rin ng pitong rebounds, tatlong steals, at 2 assists.
Iginapos ni Brandon Bates ang kanyang pinakadepinidong performance na may 10 points, 15 boards, at 2 blocks, na pinatunayang siya ang perpektong komplemento sa pagtulong sa Green Archers na igapos ang Growling Tigers.
Ginamit ng La Salle ang 26-point third period na pasabog para ibaliko ang laro mula sa 44-37 halftime affair tungo sa 63-54 advantage sa hulihan ng yugto at kunin ang kontrol sa matchup.
Iskor:
DLSU 80 -- Malonzo 23, Melecio 18, Baltazar 14, Bates 10, Hill 5, Manuel 5, Caracut 2, Serrano 2, Bartlett 1, Lojera 0.
UST 79 -- Abando 19, Chabi Yo 17, Cansino 9, Bataller 6, Subido 6, Paraiso 5, Huang 4, Nonoy 4, Ando 3, Concepcion 3, Cuajao 3, Bordeos 0.
Quarterscores: 19-24, 37-44, 63-57, 80-79.
(LP)