Nung Martes, sinimulan ni Zamboangueño Marcial ang pagiging-agresibo para gibai si Ecuador's Bryan Angulo, 4-1. Gayunman, di naiwasan ni Marcial ang isang ligaw na punch ng kalaban sanhi para matanggal ang kanyang ngipin.
Sinundan ni Fil-British John Tupas-Marvin nang isa pang maangas na panalo kontra Lithuanian Paulius Zujevas, pero ganun pa rin humabi ng isang matinding cut sa kanyang mata gayunman nasustena niya ang salpukan.
Sinabi ni head coach Ronald Chavez na "the doctors stitched John up but said that since he won't be fighting until September 16, they were going to clear him to fight again.”
Napagpasyahan naman ng ABAP officials at coaches na hindi na ilaban si Marvin para di na masaktan ng todo.
Nitong Miyerkoles, nanalasa si Philippine Navy's Ian Clark Bautista nang dominahin niya ang boksingerong may anim na pulgadang mas matangkad sa kanya - si Slovakia's Villam Tanko. Tinuruan ng The Negros Occidental boy ang Slovakian at maitala ang 5-0 decision.
Dalawa pang Filipino standouts ang umusad sa torneo na pinartisipahan ng halos 400 boxers buhat sa 76 bansa.
Ang torneo ay magtatapos sa September 22. Samantala si ABAP's Ma. Karina Picson ang itinalagang deputy technical delegate ng tournament. (Louis Pangilinan)