Pacquiao: Thurman 'di ko pinili dahil sa kanyang huling laban

Pacquiao: Thurman 'di ko pinili dahil sa kanyang huling laban

Pacquiao: Thurman 'di ko pinili dahil sa kanyang huling laban

Ni Louis Pangilinan

Dumadami ang naniniwala sa ilang boxing insiders na si Keith Thurman ang pinili bilang sunod na makasagupa ni Manny Pacquiao dahil sa kanyang ipinakitang huling performance.

Sa katunayan, si Thurman ay isa dun sa mga naniniwala kung siya man ay sisinghap singhap sa panalo niya kay Josesito Lopez nitong nakalipas na Enero sapat na para sa July 20 fight versus Pacquiao.

Anuman ang dahilan, ang dalawa ay nakatakda para sa kanilang welterweight title consolidation clash sa MGM Grand sa Las Vegas, Nev. Ang kanilang salpukan ay nakabalandra sa Fox Sports Pay-Per-View event na sinasabing best card ng taon.

Ito ang dahilan ayon kay former eight-division tltlist, na pinili niya ang unbeaten welterweight na sampung taon ang tanda sa kanya.

“I didn’t select him as an opponent just because of his performance in that fight,” giit ni Pacquiao (61-7-2, 39KOs) kamakailan sa isinagawang media conference call. “He was off for two years. This fight I’m sure, he will be in 100% physical condition.”

Sina Pacquiao at Thurman (29-0, 22KOs) ay rumampa ng kabilaan nung huling linggo ng January, tiyempong itinaya nila ang magkahiwalay na bersiyon ng World Boxing Association (WBA) title.

Buwenamano si Pacquiao sa ilalim ng Premier Boxing Champions (PBC) para sa unang laban niya sa 2019, na nagtala ng landslide 12-round win kontra mayabang na si former four-division titlist Adrien Broner.

Sa persepsiyon ng publiko, balewala kay Pacquiao ang anumang usap usapan.

“I’m not basing (his ability) on his last performance,” diin pa ni Pacquiao, batay na rin sa kanyang personal experience na baba taas siya sa nakalipas na dekada. “He was laid off for almost two years. As a boxer I can understand how difficult it is to start again". (Louis Pangilinan)