Pacquiao, Thurman parehas ang timbang, 146.5 pounds

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    Pacquiao, Thurman parehas ang timbang, 146.5 pounds

    Ni Louis Pangilinan
    LAS VEGAS, Nevada — Parehong pasok sa paglalabanang timbang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao at bagitong undefeated world champion Keith " One Time" Thurman kahapon sa official weigh in para sa WBA welterweight fight nila ngayon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

    Sa 147 pound-limit, kapwa nagtala sa wieghing scale ang dalawang boksingero ng 146.5 lbs. at walang anumang palabok para isugal ang walang mantsang rekord ni Thurman kontra sa nag-iisang eight-division world champion.

    Saliw ng kani-kanilang fans at kampo, unang sumampa sa scales si Thurman ahabang ang kanyang kaupakang si Pacquiao ay sinalubong ng palakpak nang siya na ang tumuntong sa podium.

    Ganun man tuloy pa rin ang trash talk ni Thurman sa fighting senator at ipinangako naman ng boxing icon na raratsada siya ng todo sa gabi ng laban.

    “It’s my time, and I’ll still be champ by tomorrow night,” aniya matapos ang weigh-in.

    Hindi nakipagpalitan ng maangas na kataga si Pacquiao kay Thurman sa halip pinasalamatan ang dumalong fans sa pagsuporta sa kanyang laban.

    “Thank you for coming to witness a good fight, I want to prove something for this fight. I’m so prepared for this and this is one of my best training camps. We’re all set tomorrow,” sambit pa niya. (Louis Pangilinan)