MMA star Conor McGregor  nangangati na ang kamao! 

MMA star Conor McGregor  nangangati na ang kamao! 

UFC

MMA star Conor McGregor  nangangati na ang kamao! 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Kamakailan lang ginamit ni MMA star Conor McGregor ang social media para bumato ng mga bagay na praktikal kaninuman. Mistulang nagpapahiwatig ang Irishman at nanawagan kaninuman sa tangkang i-lobby para sa kanyang susunod na laban. 
 
Dagdag pa dito, inako ni McGregor na ang pagbabalik sa boxing ring ay tunay na posibilidad para sa kanya. Gayunman,  ang  Notorious One’s manager Audie Attar ay nagsabing anh pagbabalik sa  boxing ring ay bahagi ng kanyang pang hinaharap na plano, ngunit lahat ng kanyang enerhiya ay nakopokus sa MMA para sa hinahangad ng kinabukasan. 
 
“Boxing is definitely something he plans on doing, but I think he’s thinking MMA first. And who the opponent is, it could be (Justin Gaethje or Tony Ferguson), it could be someone else. Ultimately, I think all the fans want to see him fight, so it doesn’t matter who he fights – he’ll fight someone,” ani Conor McGregor’s manager.
 
Sumabak si Conor McGregor sa boxing ring kontra Floyd Mayweather noong  2017 bilang parte ng kanyang boxing debut. Balyante siyang nakipagsagupa,  pero hindi sapat ang taktika at puwersang nabigo sa undefeated future Hall of Famer.
 
Kasunod ng kanyang pakatalo kay  ‘Money’, naging bulungan ang laban niya kay Manny Pacquiao. Pero ang naturang ugong ay hindi nabuo. 
 
Pero, maaring punto pa ito na pag uusapan, dahil kamakailan si Pacquiao ay pumirma sa Paradigm Sports Management. Ang  Irishman ay sumasabak sa ilalim ng kanilang mandato at posibleng maging susi para sa kombenyenteng negosasyon sa pagitan. ng dalawang partido. 
 
Dagdag pa dito,  nito lang nakalipas na linggo si  McGregor at Oscar de la Hoya ay nagpahayag ng interes na magsagupa sa ibabaw ng lona. (Louis Pangilinan)