Mapapalaban si Vietnamese sprinter Le Thun Chinh sa isang malaking pagsubok kasama ang dalawang Filipino-American sprinters sa 100-meter dash pagsapit ng 2019 Southeast Asian Games.
Si Le ay may tiyempong 11.67 seconds sa 100-meter dash ng 2019 Southeast Asian trials sa Vietnam nung nakalipas na linggo.
At ang oras ni Le ay mas angat kumpara sa tiyempong kanyang nirehistro (11.56 seconds) nang manaig sa century dash kontra Malaysian sprinter Zaidatul Husniah Zulkifli dalawang taon ang nakaraan.
Ito ang naging daan para sina Philippine bets Kristina Knott at Zion Corrales-Nelson ay malakas na kontender para hubaran si Le, na parehong idedepensa ang korona sa 100-meter and 200-meter dash.
Si Knott, na nag eensayo sa Estados Unidos ay kapansin pansin ang oras na 11.42 seconds sa idinaos na Asian Grand Prix's 100-meter event, at 23.62 second best time sa Philippine National Open.
At ang kapuwa performances ay sa likod ng 2017 SEA Games gold medal standard.
Nito lamang, si Corrales-Nelson ay may suwabeng oras na 11.41 seconds sa US NCAA meets nitong kaagahan ng taon.
At mas mababa sa 11.56 seconds at 23.32 seconds na naitala ni Le sa 2017 SEA Games.
Si Zaidatul, na hindi nakasali sa 200-meters sanhi ng injury, ay may tiyempong 11.74 at 23.63 seconds para akuin ang silver sa likod ni Le 100-meter at 200-meter dash noong 2017 SEA Games.
At nagawang imaniobra ng Malaysian na ibaba ang kayang oras sa 11.65 seconds sa 100-meters sa Ipoh meet.
Nakatakdang ihayag ng Philippine Athletics Track and Field Association ang komposisyon ng national team kasunod ng final tryouts na idinaos noong nakalipas na weekend sa New Clark City track stadium sa Capas, Tarlac. (Louis Pangilinan)