Red Warriors nasilat ang Green Archers!

Red Warriors nasilat ang Green Archers!

Red Warriors nasilat ang Green Archers!

Red Warriors nasilat ang Green Archers!

Sinuwerteng nagsilbing bayani si Rey Suerte para sa University of the East para gulantangin ang La Salle, 89-88, Sabado sa UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Naglagablab ang dating CESAFI MVP mula sa ilalim, tumipa ng 5-of-7 kabilang na ang game-winning trey may 3.2 seconds ang nalalabi para igaod ang Red Warriors at ng bagong head coach Bong Tan sa kanilang unang panalo sa torneo.

"One word: Suerte. Swerte lang," sambit ni active consultant Lawrence Chongson.

Tumabo si Suerte ng career-best 31 points, seven rebounds, at three assists.

Ang kanyang tres, may 15.4 seconds ang bumuhat sa UE na maihatag ang 86-85 lead, pero rumesponde si Aljun Melecio ng sarili niyang tres may 10.8 seconds ang natitira para igapos ng La Salle ang dalawang puntos na ungos ,88-86.

Pero hindi napigilan ang swerteng bitbit ni Suerte sa pagpukol ng game-winner para maideliber ang unang silat ng season.

Nag -ambag si Neil Tolentino ng 19 points at tatlong rebounds para sa UE, habang si Jem Cruz ay kumalabog ng 13 points at walong rebounds sa panalo kung saan pinakauna ng Recto squad mula sa kanilang 68-66 victory sa ikalawang taon sa UAAP Season 77 noong September 10, 2014.

Ang panalo ang naghatid sa UE na basagin ang three-game skid para maiposte ang 1-3, habang nilaglag ang La Salle sa 1-2 kartada.

Umiskor si Melecio ng 21 points, ang 11 ay galing sa payoff period, para pamunuan ang Green Archers.

Si Justine Baltazar ay mayroon ding 21 points, 17 rebounds, at dalawang tapal, kung saan si Andrei Caracut ay may 16 points, six assists, at 4 rebounds tungo sa pagkatalo. (Louis Pangilinan)

Ang Iskor:

UE 89 -- Suerte 31, Tolentino 19, Cruz 13, Pagsanjan 8, Apacible 6, Conner 4, Mendoza 4, Natividad 4, Abanto 0, Camacho 0, Diakhite 0, Sawat 0

DLSU 88 -- Baltazar 21, Melecio 21, Caracut 16, Serrano 14, Pado 9, Lojera 3, Bartlett 2, Manuel 2, Bates 0, Hill 0.

Quarterscores: 28-24, 48-37, 70-63, 89-88.