Kahapon bumiyahe na ang Gilas patungong Guangdong, China
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao, isa sa kanyang mga inaalala ay ang acclimitization lalo pa’t alam nilang maigsing panahon lang para magamay nila ang lugar.
“Pero I don’t think there’s any question with the time zone or the weather. So I don’t think na matatagalan yung acclimatization namin. That’s my only concern actually.”
Inaasahan din na aayusin na ni Guiao ang lahat ng gusot kasabay ng “testing” sa game plan na binuo nila sa loob ng ilang buwan.
Makakasagupa ng Gilas sa group phase ang Angola, Italy at Serbia.(Louis Pangilinan)