Pilipinas laban sa mundo PACIO AT FOLAYANG, HANDA NA SA BAKBAKAN SA “ONE: FIRE & FURY” SA S+A, IWANT - Page 2

Philippines vs. the world PACIO, FOLAYANG LEAD FILIPINOS IN “ONE: FIRE & FURY” ON S+A, IWANT

Philippines vs. the world PACIO, FOLAYANG LEAD FILIPINOS IN “ONE: FIRE & FURY” ON S+A, IWANT

Philippines vs. the world PACIO, FOLAYANG LEAD FILIPINOS IN “ONE: FIRE & FURY” ON S+A, IWANT - Pilipinas laban sa mundo PACIO AT FOLAYANG, HANDA NA SA BAKBAKAN SA “ONE: FIRE & FURY” SA S+A, IWANT

Article Index

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

 

Mainit ang simula ng taon para sa mixed martial arts (MMA) sa bansa sa pagharap ng mga Pilipino laban sa pambato ng mundo sa “Fire & Fury” fight card ng ONE Championship ngayong Biyernes (Enero 31) sa Mall of Asia Arena.

Mangunguna sina ONE Strawweight world champion Joshua “The Passion” Pacio at dating hari ng ONE lightweight division na si Eduard “Landslide” Folayang sa bakbakan na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at may livestreaming din sa iWant, ABS-CBN Sports YouTube channel, at ABS-CBN Sports Facebook page.

Itataya ni Pacio, ang natatanging kampeon ng sikat na Team Lakay, ang kanyang titulo sa kanyang sagupaan sa dating kampeon sa strawweight na si Alex Silva ng Brazil. Muli namang sisimulan ng itinuturing na alamat sa Pinoy MMA na si Folayang, ang kanyang pagbabalik sa itaas sa kanyang laban kay Pieter Buist ng Netherlands.

Hindi naman papahuli ang kanilang kasamahan na si Danny “The King” Kingad, na nais bumawi sa pagkatalo sa MMA superstar na si Demetrious Johnson sa pamamagitan ng pagtalo kay Xie Wie ng China.

Bukod sa kanila, lalaban din para sa Pilipinas sina Jomary Torres at Gina Iniong, at Team Lakay standout Lito Adiwang sa lead card ng “ONE: Fire & Fury.” Makakalaban ni Torres si Jenny Huang ng China, habang si Asha Roka ng India ang susubok sa galing at lakas ni Iniong. Samantala, si Pongsiri Mitsatit ng Thailand naman ang tatangkaing gibain ni Adiwang. Mapapanood ang kanilang mga laban sa pagpapalabas ng S+A ng lead cards bandang 10:30 pm.

Suportahan ang magigiting at matatapang na manlalaban ng Pilipinas sa kanilang banggaan sa mga pambato ng mundo sa “ONE: Fire & Fury” LIVE mula Mall of Asia Arena simula 8:30 pm sa Biyernes (Enero 31). Manood sa livestream sa iWant, ABS-CBN Sports YouTube channel, at ABS-CBN Sports Facebook page.

Para sa iba pang MMA news, pumunta sa sports.abs-cbn.com o sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook, Instagram, at Twitter. Para sa updates, pumunta sa abs-cbn.com/newsroom o  i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter.