Timog, QC - Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na suspendihin ang pagproseso ng identification cards parq sa persons with disability (PWDs) kaugnay ng irregular issuance ng PWD cards, kung saan gumagarantiya ng diskuwento sa pagbili at mga serbisyo sa mga may sinasabing pamilya.
Ani Belmonte ang suspensyon ng card issuance ay hanggang ngayong araw na lamang (Biyernes, Hunyo 26) para mabigyan ang pamahalaang lungsod ng sapat na panahon na lumikha ng bagong panuntunan sa target na matanggal ang pang-aabuso.
“We will use the two days to come up with the needed safeguards to ensure that only those deserving get the PWD cards,” ani Belmonte.
“Our protocols will be revisited and needed controls will be placed so the system will not be abused by greedy and opportunistic individuals,” dagdag pa ng mayora.
Nauna rito, nag-utos si Belmonte na imbestigahan ang pag-isyu ng PWD IDs sa mga 'di kuwalipikadong indibidwal matapos ang ulat na anim sa mga maykayang kamag-anakang pamilya ang nagawang makakuha ng cards noong 2018 na walang isinumiteng anumang mandatong rekisitos.
Ang anim ay inisyuhan ng PWD cards sa kabila nang hindi kuwalipikado sa ilalim ng Republic Act 10754 o An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability. Sila'y dapat na magbayad ng P2,000 sa bawat card.
Ani pa Belmonte napag-alamang kilala na ang may kagagawan ng 'hokus pokus' na tao sa likod ng pag-isyu ng PWD cards at nahatagan na ng show-cause order.
“The person behind the issuance of the ID card will be given 72 hours to explain why he shouldn’t be held administratively and criminally liable,” sambit ni city legal officer Niño Casimiro.
Ang empleyado ay mahaharap sa kasong grave misconduct na may kaparusahang pagkakatanggal sa serbisyo. (LP)