Kampeon ang San Miguel!

Kampeon ang San Miguel!

Kampeon ang San Miguel!

Kampeon ang San Miguel!

Namentina ng San Miguel Beer ang kanilang naglalaglab na lakas matapos igapos ang huling kantong ratsada kontra TNT Katroa para itatak sa Game 6 ang korona sa PBA Commissioner's Cup, 102-90 Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Mas ginalingan pa ng Beermen na mailatag ang gitgit na patibong kaysa sa huli nilang pasagupa at ihirit ang pinakamatamis na kampeonato sa kasaysayan ng prangkisa.

Natongga ng Beermen ang kanilang back-to-back buhat sa kanilang pagsungkit ng Philippine Cup title. At ngayo'y aabatan ang grand slam.

"Nakuha na namin yung second part. Isa na lang," ani Robert Non, SMB's representative sa PBA board

Nilagok ni Chris McCullough ang 35-point game ng isa pang 35-point job at ayuda ng SMB locals para kompletuhin ang pag-angat mula pampito sa post-elims play. Ang mid-tournament acquisition kay McCullough ay patunay ng malaking pagsalba sa tropa kasama si Christian Standhardinger na naging malaking rebelasyon sa kanyang defensive job kay Terrence Jones sa Games Five at Six.

Kinilala ni SMC sports director Alfrancis Chua ang ginawang sipag ni Standhardinger sa national TV sa awards rites.

Pero ang Finals MVP award ay nahugot ni Terrence Romeo na nag averaged ng 14 points, 4.3 assists at 2.3 rebounds.

Nalimitahan si Jones at KaTropa sa kanilang pinakamatumal na puntos sa serye, hinila ng Beermen ang emotional championship, at ibulsa ang kanilang ikawalang titulo sa 14 conferences at 27th overall.

"Na-overcome namin yung tough struggle," ani June Mar Fajardo, na inilarawan ang kanilang masikip na paglalakbay mula 2-5 start sa elims. (Louis Pangilinan)