Nalagpasan ng De La Salle University ang matinding hamon ng Adamson University para ipasak ang 75-65 panalo sa UAAP Season 85 Women’s Basketball Tournament, Sabado dito sa Ynares Sports Center.
Pinamunuan ni Lee Sario ang Lady Archers na may 26 points, 11 rebounds, at tatlong steals, kasunod ng 15 points at 12 rebounds ni Joehanna Arciga.
Nakandado ang aksyon 41-41 mula sa basket ni Adamson’s Victoria Adeshina, pumalaso ang La Salle ng 11-1 run kabilang ang tira ni Fina Niantcho sa pagtatapos ng ikatlong kanto para makaungos 53-42.
Sa huling yugto, nagawang tastasin ng Lady Falcons ang kalamangan sa 65-72 buhat sa basket ni Leslie Flor may 39.4 ang nalalabi. Gayunman, tatlong freebies mula kay Marga Jimenez ang sumelyo sa 75-65 win para sa Lady Archers.
Naghatag sina Charmaine Torres at Niantcho ng tig-11 puntos kung saan ang una'y naglaan ng limang assists habang ang huli'y nakakalawit ng 10 rebounds.
“Yes, we’re 5-2 but if you look at our games, it’s not a very dominant 5-2,” sambit ni La Salle coach Cholo Villanueva. “We just find ways to win. We just trust each other on what we’re going to do defensively.”
“We’re not a very talented team. We just outsmart and outwork our opponents to get a grind out win every time, which I think is good for us.”
Malaki ang naging ambag ng bench para sa panalo ng La Salle na may 42 points versus Adamson’s 14.
Nanguna si Adeshina para sa Adamson na may 18 points at 18 rebounds sinundan ng 16 ni Rose Ann Dampions. Si Angela Alaba ay may 12 points para sa Lady Falcons.
Nangahulugan na ang resulta'y matatapos ang La Salle sa unang round na nasa ikatlong puwesto na may 5-2 record habang nasa sixth place ang Adamson, sa 2-5 karta. (Louis Pangilinan/UAAP)
Iskor:
La Salle (75) - Sario 26, Arciga 15, Torres 11, Jimenez 5, Dalisay 3, Ahmed 2, Espinas 2, De La Paz 0, Binaohan 0.
Adamson (65) - Adeshina 18, Dampios 16, Angela Alaba 12, Padilla 6, Angeline Alaba 4, Agojo 3, Flor 2, Etang 2, Meniano 2, Catulong 0, Tano 0, Carcallas 0, Ornopia 0, De la Cruz 0.
Quarters: 18-17, 39-31, 56-47, 75-65