TEAM LAKAY, HAHATAW AT SISIPA SA S+A NGAYONG ABRIL

TEAM LAKAY, HAHATAW AT SISIPA SA S+A NGAYONG ABRIL

MMA

TEAM LAKAY, HAHATAW AT SISIPA SA S+A NGAYONG ABRIL

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Mga laban ng ONE Championship, magbabalik sa TV

TEAM LAKAY, HAHATAW AT SISIPA SA S+A NGAYONG ABRIL

Ipapakita ng mga mandirigma sa mixed martial arts (MMA) ng Team Lakay kung paano lumaban ng buong puso at lakas ngayong Abril sa pagbabalik ng mga matinding laban ng ONE Championship sa ABS-CBN S+A.

Abangan ang dumadagundong na tagumpay ni Lito “Thunder Kid” Adiwang sa “ONE Warrior Season 4,” kung saan tampok ang mga nais makilala sa larangan ng MMA. Sisipa na ang palabas sa Linggo (Abril 5) mula 6 pm hanggang 12 mn, at mapapanood din tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, Sabado, at Linggo ng 9 pm.

Hindi naman papahuli ang kasama ni Adiwang sa Team Lakay na si Joshua “The Passion” Pacio, na mapapanood sa “ONE: Roots of Honor” sa Abril 16 ng 9 pm.  Dito binawi ni Pacio ang korona sa ONE Strawweight division laban sa Hapon na si Yosuke Saruta. Sa Abril 17 naman, ang dating kampeon na si Geje “Gravity” Eustaquio ang magpapakitang-gilas laban kay Kim Kyu Sung ng Korea sa Flyweight World Grand Prix sa “ONE: Enter the Dragon.”

Sa Abril 23, si Danny “The King” Kingad naman ang magpapakita ng bangis ng Pinoy sa kanyang pagharap kay Reece McLaren ng Australia sa “ONE: Dawn of Heroes.” Muling mapapanood si The King kasama nina Brandon Vera at Kevin Belingon sa pagpapalabas ng “ONE: Century” event sa Japan sa Abril 24. (Louis Pangilinan)