Target ng NBA na maisagawa ang draft sa Nov. 18 , bagamat may mga malalim na pag-iingat sa mga koponan sa posibleng mabago pang muli ang tentatibong petsa, ayon sa taong may kinalaman sa mga bagay na sinabi sa The Associated Press, Biyernes.
Sinabihan ng liga ang mga team sa kaagahan nitong linggo na tinatrabaho na ang petsa ng draft at malapit nang pagtibayin ang plano sa pag-uusap ng board of governors at general managers sa nakaraang dalawang araw, ayon sa taong ayaw ibunyag ang pagkakakilanlan dahil sa wala pang opisyal na publikong paghahayag.
Kaya't ang Nov. 18 ang naging ikatlong puntirya para sa draft. Ito'y orihinal na itinakda ng Hunyo 25, tapos iniusad ng Oct. 16, at ngayo'y iniurong muli habang ang liga ay patuloy na naghahanap ng magandang daan para sa 2020-21 season.(LP/AP)