Chess

by Marlon Bernardino
INANGKIN ni International Master (IM) Joel Pimentel ng Bacolod City ang titulo ng 1st engineer Joseph A. Ignacio Chess Cup tournament na isinagawa sa Pinoy Chess Club Online (PCConline) Chess Challenge facebook site nitong Sabado, Mayo 12, 2018.

Si Pimentel na miyembro ng multi-titled Philippine Army chess team ay nakaipon ng 6.0 na puntos para makopo ang titulo at top prize na P1,500 sa event na inorganisa ni Pinoy Chess Club Online Facilitator, Arbiter FNA Noel Morales kung saan nagsilbing punong abala si tournament director engineer Joseph A. Ignacio cup sa 2 minutes bullet time control format.

Tumapos naman sa ika-2 puwesto si dating Philippine Junior Champion National Master (NM) Marc Christian Nazario matapos makalikom ng 5.0 puntos tungo sa pagsubi sa runner-up purse P1,000.

Nasa ika-3 puwesto naman si Datu Ali Sinsuat na may 5.0 puntos para maiuwi ang P700. Pang-apat na puwesto naman si Tino Laurio na may 4.0 na puntos sapat para tangapin ang P500.

Si Woman Fide Master (WFM) Cherry Ann Mejia na nagtala ng 2.0 puntos para masikwat ang top lady award tungo sa P300.

Kabilang sa mga tinalo ni Pimentel ay sina Venancio Loyola Jr., Walt Allen Talan, Tino Laurio at at National Master Marc Christian Nazario. Ang mga iba pang country's top woodpushers na lumahok ay sina Fide Master Nelson "Elo" Mariano III, National Masters Alcon John Datu, Giovanni Mejia at Levi Mercado.Nasilayan din sina Timothy John So Kua at Vince Angelo Medina.-Marlon Bernardino-

by Marlon Bernardino

PIPIGILAN ni national champion Grandmaster (GM) Darwin Laylo sina 13-times Philippine Open champion Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. at Grandmaster elect International Master Ronald Dableo sa prestiyosong titulo ng pagsulong ng Chief PNP (Philippine National Police) Cup King of the Board Chess Challenge na may temang "Push Pawns Not Drugs" na iinog sa Linggo, Mayo 13, 2018 na gaganapin sa Camp Crame, Quezon City.

Read more ...

by Marlon Bernardino
TUMAPOS ng tig 6.5 puntos matapos ang pitong laro sina Lyceum of the Philippines University (LPU) Manila top gunner Jonathan Maca Jota at dating National University (NU) mainstay Vince Angelo Medina para magsalo sa unahang puwesto sa tinampukang 1st Hon. Marcelo Predilla Gayeta rapid chess tournament na may temang "Gilas chess camp" na ginanap sa Sariaya Sports Complex, Sariaya Quezon nitong Linggo, Mayo 6, 2018.

Read more ...

by Marlon Bernardino

MAGIGING kapana-panabik ang pagbubukas ng 5th leg Alphaland National Executive Chess Championships Mindanao leg kung saan mismong sina Lake Sebu town mayor Antonio Fungan at South Cotabato Gov.Daisy Avance-Fuentes ang naimbitahang magsasagawa ng ceremonial moves at magbibigay ng inspirational message sa mga kalahok sa event na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) na gaganapin sa Mayo 26, 2018 sa Punta Isla Lake Resort sa South Cotabato.

Read more ...

by Marlon Bernardino
HANDA na ang lahat sa pagsambulat ng pinaka-aabangan na Barangay Wawa Fiesta Non-Master Chess Tournament na gaganapin sa Barangay Wawa Hall sa Calapan City, Oriental Mindoro sa Mayo 25, 2018 na magsisimula sa ganap na alas-nuebe ng umaga.

Read more ...