So at Xiong tabla sa US Championship sa Round 5

So at Xiong tabla sa US Championship sa Round 5

by Marlon Bernardino
NAPUWERSA sa tabla ang laban nina Super GM Wesley So (Elo 2786) at Super GM Jeffery Xiong (Elo 2665) matapos ang 22 moves ng Catalan Opening sa Round 5 ng 2018 US Championship na ginanap sa Saint Louis Chess & Scholastic Chess Club sa St. Louis, Missouri, USA, Lunes ng umaga (Manila Time).

to na ang ika-3 beses na nakipag draw ang dating Bacoor, Cavite bet na si So na nakapagkamada ng kabuuang 3.5 puntos kasama ang dalawang importanteng panalo.

May tig 3.5 puntos din sina Super GM Samuel Shankland (Elo 2671) at Super GM Varuzhan Akobian (Elo 2647) para makisosyo sa ika-1 hanggang ika-3 puwesto kay So.

Tabla din ang naganap sa tagisan ng isipan nina Shankland at World Championships Challenger Super GM Fabiano Caruana (Elo 2804) matapos ang 44 moves ng Queen's Gambit Accepted.

Nakihati din ng puntos si Akobian kontra kay GM Zviad Izoria (Elo 2599) matapos ang 52 moves ng English Opening. Si Izoria ang nagpatikim ng unang pagkatalo ni Caruana sa Round 4 Linggo ng umaga. Nasa solong ika-4 na puwesto naman si Caruana na may 3.0 puntos. Si Caruana na nag kampeon sa Candidates kamakailan na ginanap sa Berlin, Germany ang hahamon kay Reigning World Champion Super GM Magnus Carlsen (Elo 2843) ng Norway sa Nobyembre.- Marlon Bernardino-