2000 Chess Team Tourney

2000 Chess Team Tourney

Nagpakitang gilas ang Maravril Enterprise Team B matapos maangkin ang titulo ng 2nd Chessmates Dos Por Dos Dalawahan 2000 Chess Team Tournament nitong Oktubre 22,2017 na ginanap sa Alphaland Southgate Mall Magallanes, Makati City.

Sa pagrenda nina Fide Master Christopher Castellano at Engineer Benjie Esquejo kung saan ang Maravril chess team na suportado ni Capt. Melvin Duay ay nakopo ang titulo matapos itarak ang 11 game points output sa event na inorganisa ni New Jersey-based US master Arthur Macaspac.

Sa final round, tinalo ng Maravril chess team ang Makati Hope Christian School, 2-0, para makopo ang top prize P10,000 plus elegant trophy.

Panalo si FM Castellano kontra kay Narcisco Gumila Jr. sa kanilang top board encounter habang angat naman si Engr. Esquejo kontra kay Marquel Soria sa kanilang lower board skirmish.

Tampok din ang Team Orbe B nina  Ricardo Batcho at Don Hamilton Arias matapos kunin ang second place sa bisa ng higher tie break points kontra sa fellow 10.5 points marker na Team Cute Cute nina Jan Roldan Oriendo at Michael Angelo Angeles.

Magkasalo sa fourth hanggang sixth placers na may identical 10.0 game points ang Team Dumadag B  nina Lourecel Ecot at Genghis Imperial; Gainsfiled Chess Team nina Alvin Roma at Enrique David II at DMJR nina Raffy Lobitana at Domingo Libay. (Marlon Bernardino)


San Martin De Porres Chess Festival tutulak na


Tinangap nina Fide Master Christopher Castellano at Engineer Benjie Esquejo ang eleganteng tropeo kasama ang top prize P10,000 matapos pangunahan ang Maravril Enterprise Team B na suportado ni Capt. Melvin Duay na nagkampeon sa 2nd Chessmates Dos Por Dos Dalawahan matapos magkampeon sa 2nd Chessmates Dos Por Dos Dalawahan 2000 Chess Team Tournament nitong Oktubre 22,2017 na ginanap sa Alphaland Southgate Mall Magallanes, Makati City.

Lalarga na ang pinakahihintay na Barangay San Martin De Porres Chess Festival na tinampukang sportsman Melecio C. Advincula III Chess Cup sa Nobyembre 4, 2017 (Sabado) sa Barangay San Martin De Porres, Barangay Hall, Cubao, Quezon City.

sI Melecio C. Advincula III , kilalang supporter of the youth, na sinabi na ang one day chess event ay idinaos kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay San Martin De Porres  na layuning makapag provide ng avenue sa aspiring athletes na ma improve at ma develop ang kanilang skills at talents. 

Ipapatupad ang format na Six o Seven Round Swiss System, Depende sa number ng participants.

Nakalaan sa magkakampeon ang  P3,000 plus trophy habang sa 2nd place naman ay may nakalaan na P2,000 plus trophy at ang 3rd place naman ay matatangap na P1,000 plus trophy.

Bukas sa lahat ng bonafide resident ng Barangay San Martin de Porres sa Cubao, Quezon City. (Marlon Bernardino)

(mula kay Filipino-Canadian Jelvis Calvelo) Nasa kaliwa si GM Mark Paragua at ang First Filipino Canadian National Master na si NM Rupert Frilles Jr. (kanan) sa isang souvenir photo sa katatapos na 4th Annual Washington Chess Congress nitong Oktubre 6-9, 2017, na ginanap sa Hilton Crystal City sa Arlington, Virginia, USA. GM Mark Paragua nanalo ng $1,000 sa Washington Chess Congress HINDI man naiuwi ang pinaka-aasam asam na titulo ay nagkasya naman si Filipino Grandmaster Mark Paragua na matanggap ang pakunsuwelong $1,000 matapos manguna sa Mixed Doubles category kasama ang katambal na US player na si Rachana Bhanuprasad. Ang Tubong Bulacan na si GM Paragua ay nakalimo ng 4.5 puntos sa Open section habang nakapag-ambag naman ang kanyang katambal na si Bhanuprasad ng 5.5 puntos sa Under 1300 section sa katatapos na 4th Annual Washington Chess Congress nitong Oktubre 6-9, 2017, na ginanap sa Hilton Crystal City sa Arlington, Virginia, USA. Ang Iranian GM Elshan Moradiabadi ang nagkampeon sa Open section na may 6.0 puntos tungo sa champion's purse $3,100. Magkasalo naman sa ika-2 hanggang ika-4 na puwesto sina GM Timur Gareyev, GM Denis Kadric at IM Praveen Balakrishnan na may natipong tig 5.5 puntos para tumanggap ng tig $933.34. Tampok naman ang pamamayagpag ni solo 5th placer Liran Zhou matapos makaipon ng 5.0 puntos para mahablot ang top under 2300 award at maiuwi ang $1,400. Overall, tumapos ng ika-6 hanggang ika-10 puwesto sa Open section si GM Paragua kasama sina FM Jennifer R Yu, FM Akshita Gorti, Andy Huang at Jeffrey L Quirke. Sa panig naman ni Bhanuprasad, nasa ika-2 hanggang ika-4 na puwesto sa Under 1300 section kasama sina Anish M Mariappan at Pracheth Godlaveti. Si John Sandberg ang nagkampeon naman sa Under 1300 matapos makalikom ng 6.0 na puntos tungo sa top prize $1,000. (Marlon Bernardino)