TNT KaTropa giniba ang Beermen sa G3

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    TNT KaTropa giniba ang Beermen sa G3


    Binakbak ng TNT KaTropa ang nakabalatay na trauma sa kanila buhat sa Game 2 endgame, para kontrolin ang aksyon sa PBA Commissioner's Cup best-of-seven finals sa bisa ng 115-105 panalo sa Game 3 Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

    Bumawi si Terrence Jones buhat sa kinakailangang serbisyo pero nadiskaril sa pagkakatalsik sa huling kanto sa G2 para ipamalas muli at magatungan ang kanyang tropa para iresbak ang 125-127 loss via double-overtime, Miyerkoles.

    Pinutok ni Jones ang 37 points, 18 rebounds, 9 assists at 5 blocks at ka-starters na sina RR Pogoy, Don Trollano, Jayson Castro at Troy Rosario ay pumitik ng double-digit contributions tungo sa 2-1 lead ng KaTropa sa race-to-four-games series.

    Nasa tiyempo ang taktika ng KaTropa para gibain ang zone defense ng Beermen mula sa rumagasang mga tres nina Jones, RR Pogoy at Don Trollano.

    Parehong tumikada ng 5-of-9 si Jones at Pogoy 5-of-9 buhat sa arko, kung saan komonekta si Trollano ng tatlo sa 5 attempts habang si Rosario at Brian Heruela ay kumabig ng tigatlong tres sa kabuuang 15-of-38 clip kontra sa 8-of-26 three-pointers lang ng San Miguel.

    Hindi naman nalalayo sa paghahabol ang Beermen nang binangbang ni Pogoy ang huli sa dalawa niyang tres at nagkasya na lang ang resulta ng giyera sa 113-99.

    Kinatas ng Cebuano hotshots ang 29 puntos na tinalian ng walong rebounds at 2 assists na walang isa mang single turnover. Kumana lang siya ng 17 points sa Game Two.

    "Ang nasa isip ko di ma-pressure. I don't care kahit kung wala akong shoot last game, ang isip ko pag libre ako, titira ako," palatak ni Pogoy.

    "Gusto kasi namin talagang bumawi kasi sayang yung Game Two, amin na nawala pa," aniya pa.

    Lumagok ang Beermen buhat sa naiwan nilang enerhiya sa Game Two na nagpasabog ng halos 17 puntos sa simula ng aksyon.(Louis Pangilinan)