MAGNOLIA 3 SUNOD NA PANALO, SMB WAGI SA ALASKA

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    MAGNOLIA 3 SUNOD NA PANALO, SMB WAGI SA ALASKA

    NI Louis Pangilinan

    Nalagpasan ng San Miguel ang mabagal na umpisa para lusawin ang Alaska 119-107, at muling sumakay sa winning track sa PBA Commissioner's Cup Biyernes ng gabi sa Friday Astrodome.

    Pomondo si Alex Cabagnot para sa Beermen sa kaagahan nang sila'y pasikatan ng Aces, 21-9.

    Si Import Charles Rhodes at Marcio Lassiter ang umalagwa pagsapit ng ikalawang kanto nang tuluyang maitono ng tropa ang aksiyon para pitpitin ang Aces 36-14, para ibalik ang pabor sa San Miguel sa pagsampa ng 24-point lead sa half.

    Buhat dito, diniretso na ng San Miguel na maitala ang kanilang tanging ikakawalng panalo sa limang asignatura matapos ang makalaglag pusong 110-107 kabiguan sa overtime kontra Barangay Ginebra.

    "It was a scary game because we didn't have a good start. Nang-iwan agad (Alaska)," pahayag ni coach Leo Austria. "But I'm happy na nagkaroon sila (Beermen) ng sense of urgency and we were able to recover."

    Ibinalik ng Alaska ang kanilang original choice na ai Chris Daniels kapalit ni Nino Johnson, ngunit ang pagpapalit ay bahagyang umepekto kung saan laglag ang Aces sa 4-3 record matapos danasin ang ikalawang sunod na talo.

    Dinala ni Chris Banchero Alaska sa kanyang 26 points at Daniels ay may 23 at 22 rebounds.
    Duda namang tinalo ng Aces ang Beermen sa boards, 53-42.

    Nakipag alyansa si import James Farr kay Paul Lee para talunin ng Magnolia ang Phoenix 99-96, para tuhugin ng Hotshot ang ikatlong sunod na panalo tungo sa 3-2 karta para sa solo fourth place makaraang simulan ang kanilang kampanya sa bisa ng magkatuwang na kabiguan.

    Naglista si Lee ng team-high 27 points at seven assists, habang su Farr ay may 26 kabilang ang 11 sa first quarter. Nagdagdag din siya ng 18 rebounds kung saan sumalansan ang import ng ikatlong magkasunod panalo kontra single loss matapos na humalili sa injured na si John Fields.

    "I expected this to be a dog fight, a grind out game. We knew Phoenix is a strong team." ani coach Chito Victolero.

    Sina Mark Barroca at Jio Jalalon ay mayroon ding double figures na 11 at 10 points ayon sa pagkakasunod , na sinamantala ang kakulangan ng Phoenix sa backcourt na wala si LA Revilla, na nagtamo ngfractured foot in buhat sa Fuel Masters' 78-76 win laban sa Alaska nung nakaraang linggo.

    Naglaro na rin si veteran Marc Pingris para sa Hotshots makaraan ang higit isang taong pamamahinga mula sa tinamong ACL/MCL injuries sa semifinals Philippine Cup nung 2018.

    Binati ang 37-year-old forward ng kanyang fans at maging ilang players mula sa Phoenix sa mainit palakpak habang papasok sa loob ng court may walong minuto sa ikalawang yugto sa Petron Blaze Saturday Special.

    Si Pingris, na absent sa loob ng 16 buwan, ay bigong maka iskor sa loob ng pitong minutong paglalaro. (Louis Pangilinan)