Recaido, Cambosa Sr., Mapugay nagparamdam agad ng lakas sa pagbubukas ng 7th annual J&P 10-Ball Cup Championships

Recaido, Cambosa Sr., Mapugay nagparamdam agad ng lakas sa pagbubukas ng 7th annual J&P 10-Ball Cup Championships

Recaido, Cambosa Sr., Mapugay nagparamdam agad ng lakas sa pagbubukas ng 7th annual J&P 10-Ball Cup Championships

Recaido, Cambosa Sr., Mapugay nagparamdam agad ng lakas sa pagbubukas ng 7th annual J&P 10-Ball Cup Championships

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
by Marlon Bernardino
 
SUMARGO agad ng magkakahiwalay na panalo sina engineer Vergel Recaido, DMC Entertainment and Production management boss Jesse Gonzales Cambosa Sr., at Blogger Leslie “Anitokid” Mapugay para iparamdam ang kanilang lakas sa pagbubukas ng 7th annual J&P 10-Ball Cup Championships Biyernes ng gabi (Oktubre 19, 2018) na ginanap sa Superbowl Makati Cinema Square sa Makati City.
Si Recaido na presidente din ng Copper Electronics Expertise, Inc., ay namayani kontra kay Momer Meteoro, 7-4, habang si Gonzales Cambosa Sr., ang newly-installed director ng  Billiards Sports Confederation of the Philippines (BSCP) na nasa magiting na pamumuno ng presidente na si Aristeo “Putch” Puyat, ay nakaungos kontra kay Audio engineer Lei Padlan, 7-6, at si Mapugay, ang world-renowed  blogger alias Anitokid ay nanalo naman ng default kontra kay Dodi Gadia.
 
“The first round is one of the toughest rounds in any tournament. It usually sets the tone of how you’re going to perform,” sabi ng defending champion na si Recaido na tinalo si Tristan Aguas, 7-4, sa finals sa last year’s edition.
 
Hindi din nagpahuli sa pagtarak ng panalo sina Dean Dayuday, Bok Ungria at Jonji Borja.
 
Angat si Dayuday kontra kay Kaye Padlan, 6-4, tinalo si Ungria si Ea Bernalez, 6-2, at namayagpag naman si Borja kontra kay John Billones, 6-4.
 
Mismong si World Champion Rubilen Amit at Esteban Robles ng Bitchip Crypto Currency  ang nanguna sa pagsasagawa ng ceremonial lag sa colorful opening ceremony sa event na sinuportahan ng Puyat Sports at MAPPA (Makati Pool Players Association) na nilahukan ng 161 pool players.
 
Ayon kay league official Allan Soliman ay nakataya sa  10-ball event ang P40,000 at trophy para sa magkakampeon, habang maibubulsa naman ng second placer ang P20,000 at maiuuwi naman ng third placer ang P10,000. May matatangap naman ang Fourth hanggang 8th place na tig P5,000 at ang  9th  hanggang 16th placers ay magbubulsa ng tig P1,000.
 
-Marlon Bernardino-