Bernie Regalario pasok sa quarterfinals ng Universal Chinese Taipei 9-Ball Open Pool Championship

Bernie Regalario pasok sa quarterfinals ng Universal Chinese Taipei 9-Ball Open Pool Championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus


ni Marlon Bernardino

MANILA---Buhay pa rin at sumipa si Bernie Regalario, isa sa tatlong Pinoy na nakatayo sa 2nd Universal Chinese Taipei 9-Ball Open Pool Championship sa Ximending, Taipei, Taiwan.


Tinalo ni Regalario, na tinatawag na "Li'l Prince" sa mundo ng pool, si Ching Ting Tang ng Chinese Taipei, 10-5, noong Huwebes sa Hulk Billiards Flagship Hall upang makapasok sa quarterfinal round para makatuto sa titulo sa pagbubukas  ng taong ito naYear of the Dragon.

Francisco Sanchez Ruiz (Spain) versus Carlo Biado (Philippines)
Chia Chien Hsieh (Chinese Taipei) laban kay Yu Lun Chang (Chinese Taipei)
Aloysius Yapp (Singapore) laban kay Kun Lin Wu (Chinese Taipei)
Michael Feliciano (Philippines) versus Bernie Regalario (Philippines)


Naiayos ni Regalario ang isang tunggalian sa kababayang si Michael Feliciano na nakatakda sa Biyernes sa kanilang quarterfinal matches. Pinabagsak ni Feliciano si Hui Chan Lu ng Chinese Taipei, 10-5.
"Sana mapanatili ko ang momentum na ito," ani Regalario.
Matapos makapag-bye sa unang round, tinalo ni Regalario, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Marboys Billiards Club sa patnubay nina JR Velasco at Marvin Paringit, si Guo Pin Wang ng Chinese Taipei, 9-6, sa ikalawang round, si Chang Yu Lung ng Chinese-Taipei, 9-6, sa ikatlong round, si Hsuan Wei Kuo ng Chinese-Taipei, 9-1, sa Round-of-32 bago tinalo si Ching Ting Tang, 10-5, sa Round-of-16 .
Nakapasok din si Carlo Biado ng Pilipinas sa quarterfinals. Makakalaban ni Biado si World Number 1 at tournament top seed Francisco Sanchez Ruiz ng Spain.
Nabigo si AJ Manas ng Pilipinas na makapasok sa susunod na round matapos yumuko kay World champ Aloysius Yapp ng Singapore, 10-9 score. Makakaharap ni Yapp si Kun Lin Wu ng Chinese Taipei sa susunod na round, na pinabagsak si Marvin Asis ng Pilipinas, 10-9.
Ang magkakampeon ay tatangap ng tropeo at cash prize na US10,000, habang ang runner-up ay makakatanggap ng US5,000 at isang tropeo dahil ang ikatlo at ikaapat na puwesto ay magbubulsa ng tig US 2,500 at mga tropeo.-Marlon Bernardino-