Roland Garcia tumabo ng $15,000, runner-up place sa US Pro Billiards Predator Arizona 10-Ball Open

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

HINDI man nauwi ang titulo ay masaya naman tinangap ni Filipino bet Roland Garcia ang $15,000 sa pagtatapos ng US Pro Billiards Predator Arizona 10-Ball Open na ginanap sa at the Casino del Sol sa Tucson, Arizona, USA nitong Linggo.

Yumuko ang ipinagmamalaki ng Magalang, Pampanga na si Garcia sa defending champion na si Pampanga kay Fedor Gorst sa final, 3-4, 2-4, na nagbigay sa Russian ng ikalawang sunod na kampeonato.
Naputol ang impresibong showing ni Garcia sa nakaraang tatlong araw matapos magtala ng unbeaten record mula sa elimination hanggang sa semifinal.
"Medyo kinapos na rin po, tsaka nahirapan din ang katawan dahil sa matinding lamig dito, kaya kinapos po talaga," paliwanag ng 42 anyos na si Garcia sa panayam ni Ms. Judith Caringal ng Radyo Pilipinas 2 sa pamamagitan ng Facebook messenger.
Dahil sa panibagong tagumpay ay nakamit ni Gorst ang top purse $25,000.
Kabilang sa mga pinataob ni Garcia, ang 2017 World 9-Ball finalist ay ang mga paborito sa torneo at kapwa Pinoy na si Carlo Biado, gayundin sina Naoyuki Oi ng Japan, Michael Schneider ng Switzerland, at Gancisco Sanchez Ruiz ng Spain sa mahigpitang semis, 4-0, 3-4, 8-7.
Ang torneo sa Arizona ay susundan ng limang event na bahagi ng qualifier para sa Predator World 10-Ball Championship, kabilang ang Wisconsin Open na gaganapin sa Pebrero 9-12.