Jason Kidd wala sa mga Finalist para sa Coaching Job ng Pelicans

Jason Kidd wala sa mga Finalist para sa Coaching Job ng Pelicans

Jason Kidd wala sa mga Finalist para sa Coaching Job ng Pelicans
NBA

Jason Kidd wala sa mga Finalist para sa Coaching Job ng Pelicans

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Bagamat ang Los Angeles Lakers ay nasa oras pa ng pagdiriwang sa kanilang ika-17 kampeonato sa kasaysayan ng prangkisa, ang mga pangunahing tanggapan na nakapalibot sa liga ay nakahanda nang ilipat ang pokus tungo sa offseason na parating.

Pinatunayang si head coach Frank Vogel ang tamang indibidwal para sa trabaho sa pagtulong dito sa koponan na maabot ang inaasahang titulo sa kanyang unang taon.
Siyempre pa, ang pagsisikap ng kanyang coaching staff ay hindi mabalewala na binigay ang kanilang maalab na kontribusyon sa panahon ng season.

 Si assistant Phil Handy ay isa sa markadong piraso ng mga crew ni Vogel na agad na napabalitang interesado sa kanya ang Brooklyn Nets.

Samantala, si lead assistant Jason Kidd ay nanatiling isa sa top head coaching candidates sa merkado.

 Ang New Orleans Pelicans ay ilan sa mga koponan na naghahanap para sa bagong head coach. Sa kabila nang impresibong resumé ni Kidd, hindi siya naniniwalang maging isa sa mga finalist para sa trabaho, ayon sa Shams Charania of The Athletic:

ng Pelicans ay may apat na finalists para sa kanilang head coaching job, kabilang na sina Stan Van Gundy at Ty Lue na nakipag-meeting sa New Orleans kasama ng team officials nitong linggo at masisilayan ang inaasahang choices na inaalok sa naturang serbisyo.

Dalawa pang finalists ang inaasahan para sa interview sa susunod na linggo, ayon sa sources. Dagdag pa ng sources, si Lakers assistant Jason Kidd ay hindi bahagi ng proseso ng Pelicans sa ngayon.

Ang pagtanggal sa pagpipilian kay Kidd ay bahagyang nakagugulat ikonsidera na napapabalita na siyang maging top candidate para sa ilang teams kahit na bago pa nanalo ang Lakers ng championship. Ligtas na sabihing ang kanyang kontribusyon ay nagpapasigla lang ng kanyang halaga.

Opkors, maaga pa at marami pang oras para sa teams tulad ng Pelicans na magbago ang puso't isipan sa panahon ng offseason. Lalo na ngayon na si Ty Lue ay pumayag sa five-year deal para palitan si Doc Rivers bilang susunod na head coach ng L.A. Clippers.

Sa panahon sa Lakers, nakatulong kay Kidd na mapaganda ang imahe bilang coach. Ang paghugot kay
Kidd sa staff ni Vogel ay nagtaas ng ilang ispekulasyon patungkol kung paano ang dynamic ay maisagawa kasunod ng kanyang hulabalong pagtambay sa Brooklyn Nets at Milwaukee Bucks. Naging mainam ang resulta kesa laksang inaasahan kung saan nakakuha siya ng paghanga mula sa kanyang mga kasamahan at players.

Ang role ni Kidd sa pag-alagwa ng Lakers ay nakatulong sa kanyang maipanday ang imahe sa mata ng front offices sa liga.