UFC : Nurmagomedov vs Gaethje sa Okt 24

UFC : Nurmagomedov vs Gaethje sa Okt 24

NBA

UFC : Nurmagomedov vs Gaethje sa Okt 24

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Largado si undefeated UFC lightweight champion Khabib Nurmagomedov na sagupain si interim champ Justin Gaethje sa Oktubre 24.


Inihayag ni UFC President Dana Whiteany pagbabalik ni Nurmagomedov sa  mixed martial arts, Martes. 


Si Nurmagomedov (28-0) ang may hawak ng may pinakamahabang akribong walang talo sa  MMA, at naging  UFC’s lightweight champion noong April 2018 nang gibain si  Al Iaquinta para sa nabakanteng  sinturon. Dalawang beses lang niyang naidepensa ang kanyang titulo, ngunit tinalo niya si  interim lightweight champ Dustin Poirier by submission nitong buwan sa kanyang laban na pinakamakailan lang.


Si Nurmagomedov ay naging isang pinakamalaking  MMA  stars sa UFC 229 noong October 2018 sa bisa ng kanyang  fourth-round stoppage kay Conor McGregor at sinundan ng pagtalon sa hawla at tumayo para kalabanin ang miyembro ng entourage ni  McGregor para sa persepsyong kawalang pagrespeto.


Bagamat ang  UFC’s pay-per-view sales figures ay pribado, ang UFC 229 ay malawak ang paniwalang pinakamabentang kaganapan sa kasaysayan ng MMA.
Nagluluksa pa ngayong buwan si Nurmagomedov matapos ang pagpanaw ng kanyang ama,  Abdulmanap. Sinabi ng kampo ni Nurmagomedov na ang kanyang ama,  na prominenteng MMA figure at wrestler sa Dagestan, ay namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19 at heart surgery noong kaagahan ng Hulyo.
Prenesenta si Gaethje (22-2) bilang perpektong kalaban sa istilo para kay Nurmagomedov, isang world-class wrestler at grappler na ekstraordinaryong matagumpay sa sahig.


Si Gaethje ay isang exceptional striker  na pinatunayan ang kanyang world-class ability noong Mayo sa bisa ng fifth-round stoppage kay longtime contender Tony Ferguson, hinablot ang interim belt sa pamamagitan ng upset victory. Naipanalo ni Gaethje apat na magkasunod na laban sa epektibo niyang  brawling style.
Hindi ibinunyag ng promosyon ang lokasyon ng laban, pero sinabi ni White na ang UFC ay di pa napapanahon na i- host ang  fans sa anumang  events sa susunod na mga buwan. 


Nauna nang iminungkahi ni White na bumalik si Nurmagomedov sa Fight Island, kumuha ang UFC ng bubble sa Abu Dhabi’s Yas Island kung saan ang promotion ay nakapag-host ng apat na palabas sa kaagahan ng buwan.  Tinalo ni Nurmagomedov si Poirier sa Abu Dhabi noong nakaraang taon. 
Ang mga susunod na event ng UFC ay nakatakda sa  Las Vegas, ngunit si  Nurmagomedov ay tahasang kritikal sa kuwadra ng UFC at Nevada Athletic Commission matapos siyang  masanksyon sa pag- alis sa cage at brawling sa stands.
Nakatira si Nurmagomedov sa  Russia, ngunit karaniwang ang pag-eensayo para sa kanyang laban   sa  Bay Area.(LP)