East Finals: Heat inangatan ang Celtics sa Game 1

East Finals: Heat inangatan ang Celtics sa Game 1

NBA

East Finals: Heat inangatan ang Celtics sa Game 1

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Tinapos at natupad ni Bam Adebayo ang kanyang pinakamalaking supalpal sa kanyang career. Binutata ni Adebayo ang tangkang dunk shot ni Jayson Tatum sa huling segundo.

Tinapos at natupad ni Bam Adebayo ang kanyang pinakamalaking supalpal sa kanyang career. Binutata ni Adebayo ang tangkang dunk shot ni Jayson Tatum sa huling segundo. Umalagwang muli ang Miami Heat sa tamang pagkakataon at gibain ang Boston Celtics 117-114 sa Game 1 ng Eastern Conference finals Martes ng gabi.


Bumato si Jimmy Butler ng 3-pointer sa hulihan ng regulation. Nilagay niyang angat muli ang Heat sa overtime — at ang three-point play ni Butler may 12 seconds ang nalalabi para ikampante ang Miami.


Umiskor si Tatum ng 30 points para sa  Celtics, si Marcus Smart ay may  26 points, Walker ay 19 at nagdagdag si Jaylen Brown ng  17. Tumipak si Goran Dragic ng 29 points, may 22 si Jae Crowder, hatag si Jimmy Butler ng 20 at may 18 si Adebayo para sa Heat.


Kulang lang naman ng isang assist si Miami’s Tyler Herro para maitala ang triple-double — sa kanyang 12 points, 11 rebounds at nine assists.


Ungos ang Boston 85-71 sa kaagahan ng fourth at napanatili ang bentahe sa halos kabuuan ng huling kanto  — hanggang sa nakonekta ni Butler ang isang 3-pointer mula sa kanang sulok may 22 seconds ang natitira  para sa 106-105 kalamangan ng Miami.


Naitabla agad ng  Celtics bagupaman gumulong muli ang oras. Natawagan si Derrick Jones Jr. sa isang away-from-the-play foul habang guwardyado ng Miami ang inbounds pass, ang tawag na pinagtalunan ng Heat pero wala lang na sa halip ay tinulak siya. Larga sa linya si Tatum, tabla ang iskor sa libreng buslo at sa hindi inaasahan ang Boston ay napunta sa sitwasyong kailangang umiskor para maabatan ang tikatik ng oras .


Kailangan ng Miami ang traveling call nang mahugot ni Tatum ang bola may 7 seconds pa. Kapos ang kanyang  3-pointer at nahila na sa ekstrang limang minuto.


Na-outscored ng Celtics ang  Heat 27-10 sa huling  8:17 ng third quarter, iskor ng 10 si Smart sa kasagsagan ng aksyon para sabayan ang kabuuang output ng Miami at ang Boston ay ungos 83-71 papunta sa  fourth. Tumira ang Miami ng 6 for 22 sa unang yugto para makaalpas sa komplikasyon at sumunod ang 6 for 20 sa third para sa mas lumaking pagkakalat sa laro.(LP)