“Game 7 to go to the Eastern Conference finals,” sambit niToronto guard Fred VanVleet . “All you can ask for is a chance.”
Hinagupit ni Kyle Lowry ang isang acrobatic jumper may 11.7 seconds na lang para akuin ng Raptors ang makalaglag pusong 125-122 dobleng overtime kontra Boston Celtics sa Game 6, Miyerkoles ng gabi.
Matikas si Jayson Tatum sa kanyang 29 points, 14 rebounds at nine assists. Hatag si Marcus Smart ng 23 points, 11 rebounds at 10 assists, at nagmintis ang 3-pointer na maaring maitabla may 3 segundo pa sa ikalawang ekstrang sesyon.
“We had a lot of opportunities down the stretch and we didn’t take care of the all as good as we needed to,” ani Brown . “That’s fine. We’re heading into a Game 7. We feel good about ourselves.”
Ito ang unang pagkakataon na ang koponan ay humantong sa multiple overtimes at manalo para isabit ang elimination sa best-of-seven series mula April 30, 2009 — nang mapuwersa ng Chicago ang Game 7 sa paggapi sa Boston 128-127 sa triple OT.
Larga ang Celtics na mamayani sa Game 7.
Pumalaot ang Celtics sa Game 7 ng ika-33 beses; ang kanilang 23-9 all-time — ngunit natalo ng apat sa kanilang huling pitong ultimong hostilidad. Ang Raptors ay 3-2 sa Game 7s.
Ang home at road classifications ay nanatiling ina-apply para sa record-keeping purposes sa bubble — kaya ngayon, ang kapwa koponan ay 0-3 “ at home” sa serye.
Kinokonsiderang ang Game 7 ay Toronto home game .(LP)