Top recruit half-breed Ilocano Jalen Green pumirma sa G League
NBA

Top recruit half-breed Ilocano Jalen Green pumirma sa G League

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 Inihayag ni top recruit half breed Ilocano Jalen Green nitong Huwebes na laktawan ang kolehiyo at pumirma sa  G League para sa susunod na  season, maging unang player na kunin ang pagkakataon ng bagong potensiyal na pumalaot  sa NBA.
 
 
Si Green,  guard mula Napa, California na kinukunsidera ng ilan bilang No. 1 overall recruit sa ngayong taong  high school class, ay eligible para sa 2021 NBA draft at nakikinitang malakas na kandidato bilang ilan sa mga top pick.
 
“The ultimate end goal is to get to the NBA," ani Green sa kanyang Instagram Live story. "With that being said, I have decided to partner with the NBA G League’s new team for elite players. The main reason for this is I want to get better, I want to develop a better game. I want to work on my craft, get stronger and things like that. That way, I can be better for the NBA. This is the best route to prepare myself to get one step closer so I can be ready when that time comes.”
 
Bilang elite prospect, si Green ay kikita ng $500,000 para sa isang season, ayon sa ESPN. Maglalaro siya para sa "still-being-developed program", ngunit hindi sa alinmang G League team o may  affiliation ng NBA franchise. Siya at iba pang susunod ay maglalaro sa  G League umbrella, na nakapokus sa  draft preparation, basketball readiness at life skills.
 
Ang deal kay Green ay nakapaloob din ang college scholarship at living arrangements.
 
Si Five-star prospect Isaiah Todd, na decommitted mula University of Michigan, ay humantong din sa  deal sa NBA G League noong Biyernes.
 
Inihayag ang programa ng G League noong 2018 na nag-aalok sa mga  ''select contracts'' na players na ayaw maglaro  sa college basketball pero hindi pa  eligible para sa Draft.
 
Ngunit wala pa sa mga naturang deal ang naipatupad na dahil sa samut saring kadahilanan - ang feedback na ang G League ay hindi kasali sa pagkakaalam ng players na ang $125,000 salary ay napakababa,  di gustong ang kaalamang kung saan maglalaro at ang kumplikado situwasyon kung alin koponan sila ilalagay. 
 
Inihayag ni Oklahoma City Thunder forward Darius Bazley na taong 2018 na dumiretso siya sa college at sa NBA G League, ngunit  ginawa niyang magpartisipa sa three-month internship sa  New Balance na napaulat sa presyong $1 million. Si Bazley ay napili sa first round ng 2019 draft na 23rd overall. Photo by CBSSPORTS