Gonzaga binitbit ang Nueva Ecija vs. Zambo City sa 'Million Peso Game' Grand Finals

Gonzaga binitbit ang Nueva Ecija vs. Zambo City sa 'Million Peso Game' Grand Finals

Gonzaga binitbit ang Nueva Ecija vs. Zambo City sa 'Million Peso Game' Grand Finals

Gonzaga binitbit ang Nueva Ecija vs. Zambo City sa 'Million Peso Game' Grand Finals

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

CALAMBA, LAGUNA - Salpukan sa pagitan ng Zamboanga City-Chooks-to-Go, (suportado ng Family's Brand Sardines)at Nueva Ecija Rice Vanguards ang masasaksihan para sa Grand Finals ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President's Cup powered by TM.

Nakatakdang rumatsada ang dalawang tropa sa bibihirang pagkakataon matapos pumasa sa kanilang magkahiwalay na oposisyon sa semifinals, Biyernes dito sa loob ng INSPIRE Sports Academy.

Naging sorpresa ang Nueva Ecija squad sa 'Million Peso Game' kung saan hindi lang nila tinusta ang Uling Roasters-Butuan City, 20-19, kundi nagawa pa nila ito na tatlong tao lang silang umarangkada.

Ang layup ni Jai Reyes, ang huli sa kanyang anim na puntos, sa papapaupos na oras ang nagpatunay ng kanilang kaibahan para sa palabang Rice Vanguards.

"Para sa'yo 'to! Para sa'yo 'to!" sigaw niya sa kanyang kasanggang si teammate Mac Sabellina, na nabangko sanhi ng nabaling tadyang, habang pausad sa semifinals na walang kapalit.

Sadyang sumabog ang emosyon para kay Tonino Gonzaga na lumaban ng ngipin sa ngipin at pumukpok ng pitong puntos.

Higit na tumatak ay ang kanyang matinding butata mula sa likuran sa layup ni Karl Dehesa l na naghatag kay Butuan sa unahan ng isang buslo.

Sa halip, sinilo ni Gab Banal ang rebound at ipinasa ang bola kay Reyes tungo sa panalo.

Bumuslo si Banal ng pitong puntos, ngunit kinailangan ng Nueva Ecija na humukay pa ng malalim kung saan nanatiling underdog sa Finals kontra Zamboanga City na rumesbak sa Pasig-Sta. Lucia Realtors, 21-16 (8:17).

Sa katunayan ang Pasig, na sinilat ang nationals sa Leg 3, ay kontrolado ang hostilidad sa kaagahan, 2-5.

Nagising ai Joshua Munzon buhat dito gayunman, at tumubog ng tatlong sunod na tabla sa 7-0 ratsada na naglagay sa tuktok, 9-5.

Agad naman humalibas ang Sta. Lucia Realtors sa pagkakatabla, 15-all, ngunit kagyat na rumesponde sina Munzon at Alvin Pasaol para sa Zamboanga City, na nagsanib sa 6-1 finishing kick.

Ang Philippines' no. 1 3x3 player ay kumaldag ng personal conference-high 15 points habang si Pasaol ay naglagak ng dalawang puntos.

Ang nationals at torneo sa 'Million Peso Game ay naka-stream pa rin sa Chooks-to-Go Pilipinas Facebook at FIBA 3x3 YouTube at naka- ere sa BEAM TV CH. 31.