Gilas swak na sa FIBA World Cup 2023

Gilas swak na sa FIBA World Cup 2023

Gilas swak na sa FIBA World Cup 2023

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
MANILA โ€“ Tiyak nang may puwestong nakalaan ang Gilas Pilipinas  at Japan sa  2023 FIBA World Cup, unang pagkakataon na maraming bansa ang magtutulong- tulong bilang mga host,  batay sa inihayag ng FIBA, Lunes. 
 
Sinabi ng world's basketball governing body na ang kapwa tropa, na nagpartisipa sa nakaraang taong edisyon ng  quadrennial event, ay ngayo'y seeded na sa main tournament bilang direktang qualifiers.
 
Huling nag-host ang Pilipinas sa FIBA World Cup taong 1978 kung saan lahat ng laro ay idinaos sa Smart Araneta Coliseum sa Kyusi. 
 
Ang Japan, ay dalawang beses  naghu- host sa FIBA World Cup ang isa pa ay noong  2006.
 
Pero di  kagaya sa naging kaso ng isa pang  co-host, Indonesia.
 
Ang sitwasyon sa Indonesia, na hindi pa nakalaro sa FIBA World Cup bagupaman, ang siyang pangunahing paksa ng FIBA executive committee's meeting noong Lunes. 
 
Naresolba ng committee na ang Indonesia ay kinakailangang makapuwesto sa 2023 FIBA World Cup sa bisa ng susunod na taong FIBA Asia Cup.
 
Sa panuntunan, ang Indonesia, sakaling mapasok sa qualifiers, na nahinto dahil sa  coronavirus disease 2019 pandemic, ay kailangang pumasok sa  Top 8 ng FIBA Asia Cup para nakahugot ng silya sa FIBA World Cup.
 
Ibig sabihin, kailangang makasampa man lang ang Indonesia sa quarterfinals ng FIBA Asia Cup para umentra sa unang pagkakataon sa FIBA World Cup.(LP/PNA)