NBL, WNBL papalaot na bilang pro league

NBL, WNBL papalaot na bilang pro league

NBL, WNBL papalaot na bilang pro league

NBL, WNBL papalaot na bilang pro league

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA – Dalawa pang mga liga sa basketball ang inaasahang papalaot bilang propesyunal.

Ang pangrehiyong National Basketball League (NBL) at kanilang female counterpart, ang Women's National Basketball League (WNBL), ay nagpahayag ng kanilang intensiyon na sumailalim sa mandato ng Games and Amusements Board (GAB).

Kinumpirma ito ni GAB Chairman Baham Mitra sa Philippine News Agency (PNA) Martes.

"We have already met and they (have) submitted their application to GAB already," pahayag ni Mitra.

Kapag napormalisa, ito'y magiging malaking pagsulong para sa women's basketball, lalo na't makaraang kumana ng gold medal ang Gilas Pilipinas women's team sa 2019 Southeast Asian Games na ini-host ng bansa.

Ipinorma nung nakalipas na taon, ang WNBL ay magiging pinakamalapit na bagay na ang Pinas ay magkakaroon ng professional women's basketball league, na may pitong tropa – apat ang female squads ng NBL clubs at tatlong independent teams.
Ang Air Force ang nagkampeon sa inisyal na pitada ng liga.(LP)