MANILA โ Tuluyan at opisyal na ring namaalam ang Asean Basketball League (ABL) sa kanilang 10th season sa gitna ng patuloy na pananalasa ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic sa Southeast and East Asian sports.
"The Asean Basketball League board has met and announces today (Wednesday) that the ABL Season 2019-2020 will be deemed concluded as there is no safe way to complete the remaining fixtures," sa pahayag ng ABL.
Sa 10 edisyong pamamayagpag, magsisilbi sanang selebrasyon ng ABL ngayong taon 2020 para sa kanilang legasiya.
Subalit, sa pag-atake ng Covid-19 na nanalasa sa rehiyon at maging sa buong mundo, inisyal na ipinagpaliban ng liga ang ilang mga laro, bago ang tuluyang inihinto ang season.
Ang ABL ay plinanong paikliin ang season tulad sa ginawa ng National Basketball Association at Philippine Basketball Association na ipagpatuloy sa buwan ng Oktubre.
Sa huli, napagpasyahan ng ABL na tapusin ang season.
"The decision is not an easy one and has not been made lightly," sa pahayag.
Sa pagkatengga ng liga sa gitnang bahagi ng regular season, napagdesisyunan ng ABL na tapusin ang season na at walang naitanghal na kampeon.
Dikit ang Mono Vampire para sa ABL title kung saan nangunguna ang Thai club sa team standing bago kanselasyon na may 12-4 karta.
Nasa segunda puwesto ang Alab Pilipinas sa barahang 10-6, habang ang Kuala Lumpur Dragon ay esensyal na natapos ang season sa ikatlong puwesto sa team standings 10-7.
Hindi ikakandado.
Samantala, pinabulaanan ng ABL ang tsismis na tuluyang ikandado ang liga at tiniyak na magbabalik para sa ika-11 edisyon sa 2021.
"We will now turn our efforts into planning for the next Asean Basketball League season in 2021 and hope to make announcements on the 11th ABL season after completing consultations among the teams," sabi pa ng liga.
Hindi lamang giniba ng Covid-19 pandemic ang ABL basketball-wise ngunit gayundin business-wise kung saan ang postponement ng mga laro ay nangangahulugang pagkalusaw ng posibleng kita para masustena ang torneo.
Umalingasaw ang rumors matapos na ang mga staff ng liga ay napabalitang hindi na ni-renew ang mga kontrata nito.
"We are determined to find a way forward and return to the courts bigger and better alongside all our teams, commercial partners, and fans," pahayag ng ABL. . (LP/PNA)