Gilas buhay pa para sa 2020 Tokyo Olympics?

Gilas buhay pa para sa 2020 Tokyo Olympics?

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Buhay pa umano ang tsansa ng Gilas Pilipinas na mapasama sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito'y makaraang matalo ang host China ng Venezuela sa nagpapatuloy na FIBA World Cup.

May 1-2 kartada ang China at wala pang Asian team ang nanalo sa unang dalawang laro sa unang round.

Makakasagupa ng Gilas ang Tunisia, Iran at Angola sa classification group.

Dahil dito kailangang maipanalo ng Gilas ang dalawang laro sa classification phase at umasa na mabigo ang ilang Asian countries sa kanilang mga laban.

Sakaling mabigo naman ang Gilas ay dapat makapasok sila sa Top 2 sa classification group sa Olympic Qualifying Tournament.

Huling nabigo ang Pilipinas sa Angola, 84-81 sa pamamagitan ng overtime nung Miyerkoles para mawala sa kontensiyon.

Sa unang dalawang asignatura parehong nabugbog ang Gilas sa Italy at Serbia.

May tsansa sanang maisubi ng Gilas ang panalo, pero mintis ang tira ni CJ Perez, 5.2 segundo ang nalalabi na nagresulta ng OT. (Louis Pangilinan)