Administrasyon ni  Trump opisyal   nang nag-alsa balutan sa WHO

Administrasyon ni  Trump opisyal   nang nag-alsa balutan sa WHO

Administrasyon ni  Trump opisyal   nang nag-alsa balutan sa WHO

ANKARA – Opisyal nang lumayas ang administrasyon ni US President Donald Trump  bilang isa masugid na miyembro ng   World Health Organization (WHO) sa kabila ng pananalasa ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, kinumpirma ito ng  Democrat, Martes.
 
"Congress received notification that POTUS officially withdrew the US from the @WHO in the midst of a pandemic," ani Senator Robert Menendez sa  Twitter.
 
"To call Trump's response to Covid chaotic & incoherent doesn't do it justice. This won't protect American lives or interests — it leaves Americans sick & America alone," sabi ni Menendez, isang Democrat mula New Jersey.
 
Ang pagkilos ay tumapos sa ilang buwang alsa balutang pagbabanta ni Trump, sa umano'y ang naturang organisasyon ay nagpapakita ng kabagalan sa pagresponde laban sa pandemya na nagsimula sa  Wuhan, China.
 
Ang Estados Unidos ang pinakanapuruhang bansa ng nasabing pendemya na umabot higit  2.9 million kaso at higit sa 130,700 ang namatay ayon sa  running tally ng Johns Hopkins University.