Isa na lang sa Ginebra, Meralco 'di susuko!

Isa na lang sa Ginebra, Meralco 'di susuko!

Isa na lang sa Ginebra, Meralco 'di susuko!

Isa na lang sa Ginebra, Meralco 'di susuko!

Sa game 4 nagawang maglaro ni Raymond Almazan sa Meralco Bolts. Rumesponde naman Barangay Ginebra Kings gamit ang kinagisnan nilang pamatay na laro.

Ginalingan ng Gin Kings ang kada kanto sa kanilang astig na atake sa gitna para hilahin ang 94-72 panalo at iposte ang 3-1 sa serye, o isa na lang para hamigin ng tropa ang PBA Governors' Cup crown sa Smart Araneta Coliseum, Miyerkules.

Hinablot ng kampo ni Coach Tim Cone ang kanilang unang tatlong panalo at isang tagay pa para akuin ang ikatlong Governors' Cup crown sa apat na taon sa Game 5 ngayon gabi sa MOA Arena, Pasay City. Ang Game Six at Game Seven, kung kinakailangan ay lalaruin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

"Obviously Raymond Almazan's injury has changed the complexion of the series. He showed with courage but he's far from 100 percent healthy. He was limping up and down the floor and not moving well laterally," ani Cone.

"We assume he'll get better and more healthy as the series goes on. But obviously his injury is a big blow to Meralco," dagdag ni Cone.

Naisalang ng Bolts si Almazan, pero may naihanda na silang panangga sa player sa paglaro, "methodically."

"We're methodical in breaking them down offensively. And we held Allen Durham to eight at the half, and I think that's amazing," ani Cone.

Hinabi ng Kings ang momentum sa ikalawang yugto at dumistansiya sa ikatlo sa likod ng matatas na tirada saliw ang ratsada ng mga Ginebra diehard fan. (Louis Pangilinan)