Gilas olats sa Fiba World Cup; Guiao handang umeskapo!
Winakasan ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa FIBA World Cup nang walang isa mang panalo, matapos lunurin ng Iran 95-75 sa classification phase.
Dahil sa pagkatalo ay nasa kulelat na puwesto sa classification group na nasa pang 32 sa final ranking.
Hindi na rin kasama ang Gilas sa Olympic Qualifying Tournament dahil ang top 16 lang ang makakausad na siyang lalaban sa walong qualifiers para makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.
Makakasali lamang ang Gilas Pilipinas sa isa sa apat na OQT kapag makapili ang FIBA ng koponan sa wildcard slot.
Samantala, handa namang magbitiw si Gilas coach Yeng Guiao matapos ang hilahod na kampanya ng tropa.
Ayon kay Guiao na inaako niya ang lahat ng pagkatalo ng national team sa nasabing torneo. (Louis Pangilinan)
Pormal nang nanumpa si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis Singson sa kanyang tungkulin bilang UNP Federated Alumni Association President, nitong November 17, 2022, sa Commission On Higher Education (CHED) Central Office, Diliman, Quezon City. Sa katunayan, itong milestone ng ating 'busy governor' ay isang ebidensya na siya'y isinilang na may puso't malasakit para sa ating mga kababayan sa probinsya.