Boxing qualifying events sa 2020 Olympics dinetalye ng IOC

Boxing qualifying events sa 2020 Olympics dinetalye ng IOC

Boxing qualifying events sa 2020 Olympics dinetalye ng IOC

Boxing qualifying events sa 2020 Olympics dinetalye ng IOC

Dinetalye ng International Olympics Committee ang ''fair and transparent pathway to the Olympic Games'' para sa male and female boxers na hangad magkuwalipika sa Tokyo Olympics.

Apat na continental qualification tournaments ang kinumpirma na inaasahan idaraos sa China, Senegal, Argentina at Britain sa dalawang torneo mula February hanggang April.

Ang huling global qualifying tournament ay gaganapin sa Paris, at hindi sa Tokyo na unang napaulat, mula Mayo 13-24.

Ang International Olympic Committee ang mag-oorganisa sa boxing competition sa 2020 Tokyo Games matapos tanggalin sa governing body na AIBA ang karapatan nung Hunyo.

Inimbestagahan ng IOC panel amg liderato ng AIBA, governance, finances at long-standing doubts patungkol sa the integridad ng Olympic bouts.

Sinabi ng IOC na kanila ng inaayos ang pagtatalaga ng isang independent review sa ''selecting and evaluating boxing referees and judges.''

Ang Boxing sa Tokyo ay may walong men's weight classes at limang women's weight classes.(Louis Pangilinan)