Dibdiban ang ginagawang paghahanda Gilas Pilipinas para sa kanilang buwenamanong laro sa 2019 FIBA World Cup sa pagsagupa kontra powerhouse team na Italy.
Sinabi ni Gilas head guru Yeng Guiao na ito na ang pinakamahalagang giyera na haharapin ng mga Pinoy cager.
Sinabi ni Guiao, lahat ng resources at oras ba nila ay nakapokus sa Italian squad, na inaasahang babanderahan nina NBA players Danilo Gallinari at Marco Belinelli.
Inaasahan din nilang magiging todo ang puwersa na ibubuhos ng Italy, kaya kailangan daw nila ang lahat ng tulong na maaari nilang makuha.
โWeโre going to have to face a stronger team with Gallinari and Datome playing but more or else weโve familiarized ourselves with what they do and their players,โ paliwanag ni Guiao.
Dabi pa ng beteranong mentor, makakatapak pa sila sa second round ng World Cup kung mananalo sila kontra Italy at Angola.
Aminado kasi si Guiao na malabo ang tsansang masilat nila ang Serbia, na pangungunahan ni Nuggets big man Nikola Jokic.(Louis Pangilinan)
Pormal nang nanumpa si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis Singson sa kanyang tungkulin bilang UNP Federated Alumni Association President, nitong November 17, 2022, sa Commission On Higher Education (CHED) Central Office, Diliman, Quezon City. Sa katunayan, itong milestone ng ating 'busy governor' ay isang ebidensya na siya'y isinilang na may puso't malasakit para sa ating mga kababayan sa probinsya.