Pacquiao handang makipag-upakan kay Thurman

Pacquiao handang makipag-upakan kay Thurman

Pacquiao handang makipag-upakan kay Thurman

ni Louis Pangilinan
KAHIT NGAYON NA!

Kung si Pambansang Kamao Manny Pacquiao amg tatanungin kung saan kulang na lang isang buwan bago ang aktuwal na salpukan, ora mismong handa na umano siyang harapin si undefeated WBA welterweith champion Keith Thurman.

Ito ang inilahad ng magkukuwarenta'y uno anyos ng Pinoy icon sa isang panayam na handa na siyang sagupain ang hambog na Kanong si Thurman.

'I'm ready "right now",!

Magaganap ang Fox Sports pay-per-view war sa July 20 sa MGM Grand, Las Vegas.

Sa maraming panayam kay Thurman ipinagyabang niya ang intensyong puwersang pagretiruhin si Pacman. Pero walang pag-alala sa kampo ng fighting senator, at tiwalang maidepensa nito ang kanyang belt.

“They can bring the enemy today or anytime from now and face him off. I have been preparing for this fight for more than a month, dividing my time as a lawmaker and a fighter and I believe I’ve done enough to prepare myself, for the fight," bulalas ni Pacquiao.

“Thanks to my trainers, who like me have been sacrificing their time and efforts to prepare me for this, one of the most important fights of my career as a fighter. But most of all I thank God for giving me, at my age, all the strength and resolve to continue serving Him in the best way I can."

Kasalukuyang nageensayo si Pacquiao sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood, sa mandato ng kanyang chief trainer Buboy Fernandez, strength and conditioning coach Justin Fortune at Hall of Famer trainer Freddie Roach.

Hindi nagtataka si Fortune sa pakiramdam ni Pacquiao na handa na itong lumaban kahit ngayon kay Thurman.

“Manny’s been really very aggressive in this training camp and I’m not surprised if he, indeed, feels he can fight already this early,” wika ni Fortune. ( Louis Pangilinan)