ABS-CBN Sports, ihahatid ang aksyon sa volleyball at football sa TV at online
Eksklusibong mapapanood sa ABS-CBN ang 2019 SEA Games opening ceremonies ng LIVE mula sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Nobyembre 30 (Sabado) simula 6:50 pm, habang may livestreaming din sa iWant at replay sa S+A ng 10 pm.
Muling maghaharap ang Team Heroes at Team Saints sa NCAA All-Star Games ngayong Martes (Nobyembre 26) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at via streaming sa iWant simula 1 pm.
Dalawang koponan na lang ang natitira sa UAAP Season 82 Men’s Basketball, ngunit bukas na bukas ang laban sa 2019 UAAP Cheerdance Competition, na mapapanood ng LIVE mula sa Mall of Asia sa Linggo (Nobyembre 17), 2 pm sa ABS-CBN S+A at iWant.
Kauna-unahang All-Filipino world title match,mapapanood ng LIVE sa TV at online…
Bago matapos ang 2019, muling magbabalik ang ONE Championship para sa “ONE: Masters of Fate” tampok ang kauna-unahang paghaharap ng kapwa Pilipino para sa titulo ngayong Biyernes (Nobyembre 8) ng 8:30 pm, LIVE mula sa Mall of Asia (MoA) Arena sa Pasay City sa ABS-CBN S+A, ABS-CBN Sports Facebook, at iWant.
Maagang pumutak ng Magnolia Pambansang Manok at pawang may kasagutan sa bawat arangkada ng Phoenix Pulse para hilahin ang 97-81 panalo para manatili sa kontensiyon sa Top Four sa PBA Governors' Cup eliminations, Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome.
Sa kabila nang napabalitang trade sa kanya, pinatunayan pa rin ni Vic Manuel na maging trooper at makinang na lumaro at tulungan ang Alaska na manatili sa kontensiyon para sa playoffs berth sa PBA Governors Cup.
Tatlong eskwelahan ang magbabakbakan para harapin ang defending champion na San Beda University (SBU) Red Lions sa NCAA Season 95 stepladder semifinals na magsisimula ngayong Martes (Nobyembre 5) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.
Itataya ng Creamline ang trono nito kontra PetroGazz sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference Finals simula Nobyembre 6 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Matutunghayan ng fans ang LIVE coverage ng Game 1 ng 6 pm sa S+A sa free TV, S+A HD, LIGA, at LIGA HD sa cable, at pati na rin sa iWant, sports.abs-cbn.com, at tfc.tv sa online.
Tatlong eskwelahan ang magbabakan para harapin ang defending champion na San Beda University (SBU) Red Lions sa NCAA Season 95 stepladder semifinals na magsisimula ngayong Martes (Nobyembre 5) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.
Maghaharap sa isang “do-or-die match” ang San Sebastian College-Recoletos (SSC-R) Golden Stags, na nakuha ang ika-apat na puwesto, at ang nasa ikatlong puwestong na Colegio De San Juan De Letran (CSJL) Knights, na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at iWant ng 4 pm.
Kung sino man ang manalo sa dalawang koponan ang kakalaban sa Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates, na pumangalawa sa standings, para sa karapatang makaharap ang SBU sa Finals.
Naging stepladder ang semifinals ng torneo pagkatapos maipanalo ng Red Lions ang lahat ng laro sa double round eliminations sa pinagsamang lakas ng nangungunang kandidato sa pagka-MVP na si Calvin Oftana at ang kanilang point guard na si Evan Nelle.
Matarik ang aakyatin ng tatlong koponan para maabot ang Finals kontra SBU Red Lions at hindi na makapaghintay na magsimula sina Jerrick Balanza ng Letran, Allyn Bulanadi ng SSC-R, at ang kambal na Jaycee at Jayvee Marcelino ng LPU.
Para kay Balanza at Bulanadi, parehas pa nilang naiisip ang duwelo ng kanilang mga eskwelahan noong Season 93, kung saan nasulot ng Stags ang ika-apat na puwesto sa Final Four salamat sa dating big man nilang si Michael Calisaan.
Samantala, ayon naman sa kambal na Marcelino ng LPU, parehas nilang pinaghahandaan ang SSC-R at Letran at kaya nilang harapin kung sino man sa dalawang eskwelahan ang mananaig sa Martes (Nobyembre 5).
Huwag palampasin ang NCAA Season 95 stepladder semis ngayong Martes (Nobyembre 5) LIVE sa S+A at iWant mula sa FilOil Flying V Centre sa San Juan ng 4 pm sa bakbakang CSJL Knights at SSC-R Stags para sa pagkakataong makaharap ang LPU Pirates para lumusot sa Finals.
Para sa balita sa NCAA, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.
Pormal nang nanumpa si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis Singson sa kanyang tungkulin bilang UNP Federated Alumni Association President, nitong November 17, 2022, sa Commission On Higher Education (CHED) Central Office, Diliman, Quezon City. Sa katunayan, itong milestone ng ating 'busy governor' ay isang ebidensya na siya'y isinilang na may puso't malasakit para sa ating mga kababayan sa probinsya.