2 Wuhan whistleblower 'lang buwan nang nawawala matapos ibunyag ang coronavirus outbreak

2 Wuhan whistleblower 'lang buwan nang nawawala matapos ibunyag ang coronavirus outbreak

2 Wuhan whistleblower 'lang buwan nang nawawala matapos ibunyag ang coronavirus outbreak

Sa kabila ng mahigpit na pagkontrol sa mga impormasyon sa China, dalawang citizen journalists na nagbabalita sa  coronavirus pandemic sa Wuhan ang nawawala noon pang Pebrero, ayon sa  report, at buwan na ang nakalipas, sabi ng mga aktibista ang  whistleblowers ay nawawala pa rin.
 
Armado ng smart phones at social media accounts, hinamon ng nonsanctioned reporters ang outbreak mula sa mahigpit na monopolya ng Communist Party ang mga impormasyon sa matapang na pamamaraan.
 
Si Fang,  seller  ng mga traditional Chinese clothing, ay nirekord ang maalab na palitan ng mga salita ng grupo ng apat o limang opisyal buhat sa metal grill ng kanyang pintuan. 
 
Ang footage ay nai-post sa  YouTube na nagpapakita kung paano gumagana ang aparatu ng seguridad na  nagseserbisyo  overtime para ipanatiling 'di masilip ang galit ng publiko tungkol sa pagkalat ng virus.
 
“Why are there so many of you?” tanong ni Fang. “If I open the door, you’ll take me away!”
 
Sa loob ng 'sang linggo,  itinigil niya ang pag-post ng videos o pagsagot sa mga tawag at messages ng Linggo, sabi ng aktibista at ini-off na niya ang kanyang phone.
 
Ang huling  video na kanyang nai-post ay kapirasong papel na nakasulat, “All citizens resist, hand power back to the people.”
 
Makikita si Chen Qiushi na  haggard at balisa at may pangamba sa kanyang huling online posts, halos hindi na makilala na anino ng malakas na bagitong mama na pumunta sa Wuhan sa kanyang self-assigned mission para ibalita sa kanyang mga kababayan ang istorya ngayong  winter.
 
Ang 34-year-old lawyer-turned-video blogger ay isa sa pinaka- visible pioneers sa maliit ngunit mala-asong pagkilos iyun ay ang paglabag sa naghaharing Communist Party, na gustong kontrolin ang diskurso ng China.