Kiefer Ravena aprub na para maglaro sa Japan B. League.

Kiefer Ravena aprub na para maglaro sa Japan B. League.

Kiefer Ravena aprub na para maglaro sa Japan B. League.

Kiefer Ravena aprub na para maglaro sa Japan B. League.

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Inanunsiyo sa isang presscon nitong Sabado ni PBA commissioner Willie Marcial kasama ang presensiya ni Ravena, team manager Ronald Dulatre at NLEX lawyer Jan David Garcia ang hinggil sa paglalaro ng player sa Japan B. League.

Pahayag ni Marcial, inaprubahan ng Board of Governors ng liga ang paglalaro ni Ravena sa ibang bansa, makaraaang ang NLEX star guard at NLEX management ay napagkasunduang tanggalin ang Uniform Players Contract (UPC) na nilagdaan ng magkabilang panig noong September, 2020.

Gayunman, idiniin ng league commissioner, na ang kaso ni Kiefer ay hindi maging precedent. Sinabi rin ni Marcial na ang NLEX ay pagmumultahin sa hindi inilahad na halaga.

Nauna rito, ayaw ng liga na maglaro si Ravena para sa Shiga Lakerstar sa Japan B. League kung saan ipinapaalala na kailangang galangin ang kanyang live contract sa Road Warriors at PBA.
Ngunit inapela ng NLEX management ang kaso ni Ravena sa league Board of Governors.