Dyip rumesbak, binaldosa ang Elasto Painters sa OT, 112-106
Rumesbak ang Terrafirma buhat sa 10-point pagkalublob sa huling yugto at talunin ang Rain or Shine sa ekstrang oras, 112-106 sa PBA Governors' Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig, Sabado.
Tumubog si Aldrech Ramos ng tres para puwersahin ang overtime at hindi na napigilan mula dito at hinigit pa ang pagbibida sa ekstrang panahon para umentra ang Dyip sa win-column matapos sumabog sa halos markado nang panalo laban sa Phoenix Super LPG Fuel Masters Huwebes.