Team Pilipinas, kayang masungkit ang pangkalahatang kampeonato ng SEA Games – Tolentino

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Team Pilipinas, kayang masungkit ang pangkalahatang kampeonato ng SEA Games – Tolentino

 

Ni EDDIE G.ALINEA

Marami na ang nagpahayag na posibleng mapanalunang muli ng Pilipoinas and pangkalahatang kampeonato ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa sa Nobiyembre 30 ha ggang Disyembre 11 sa ilang lugar sa Luzon.

Hanggang noong dalawang lingo na lamang at magsisimula na ang palaro, wala ni isa mang opsyal ng Philippine sports ang nagpahayag ng kung papaano at bakit ipananalong muling mga atletang Pilipino ang tagumpay na una at huling natamo ng bansa noong 2005.

Noong Sabado ay nagsalita na si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol”Tolentino na inisa-isa kung paano niya nasabing mananalo ang mga Pilipino.  At hindi lamang basta mananalo. Kukuni din  umano ng hosts ang karmihan sa 530 gintong medalyang nakataya sa 56 sports na paglalaban-labanan.

Hiningi umano ng mga matataas na pari ng POC sa  kanilang mga miyembrong NationalSports Association na kalahok sa palaro kung kaya nilang magwagi ng kahit dalawang gintong medalya bawat isa at ang matunoig na sagort umanio ay YES!

Base sa sagot na  nasabi ay agad gumawa ng projection ang pamunuan at ito ang kanilang nasumpungan: Kung ang lahat ng 56 na sport ay makapag-de-deliber ng tig-2 gintong medalya hanggang sa matapos ang palaro, makakaipon sila ng 112 gold medal, kulang lamang ng isa sa napanalunan ng bansa noong 2005 kug kalian ay naiwan dito sa ba sa ang tropeo bilang overfall champion.

Kauna-unahan ito mula ng matanggap ang Pilipinas bilang miyembro ng SEA Games Federation.At hindi na na naulit ang makasaysayang pagkakataong iyon sa nakalipas na 14 na taon.

At kahit na, ayon kay Tolentino, pangulo rin ng SEA Games Federation, hindi lahat ng 56 sports ay maka-deliber sa kanilang pangako, halimbawa’y 50 lamang, nangangahulugan ito na magkakaroon  na tayo ng depositing 100 gold medal.

“Hindi naman dalawang ginto lamang ang maaring maanalunan ng bawat sports, ani Pangulong Bambol, “Mayroon diyang medal-rich na NSA na puwedeng manalo ng 10, 12 o kahit 13, tulad ng athletics,  Ang boksing kaya ang lima hanggang walo Ang iba puwede mahigit sa 10, so, doable talagang makuha kahit 20 o mahigit pa. “

Ayon kay Tolentino, sa pagtataya niya, ang alinmang bansa ay puwedeng mag-overall champion kung makakasusungkit ito ng mula 130-hanggang 180 medalyang ginto.

At kaya ito ng Pilipinas, “lalo’t tayo ang host,” pagdidiin niya.

“No, hindi tayo mandaraya, tulad ng sabi ng ilan nating walang utak na mga kababayan. Malinis nating mapagwawagihan ang pangkalahataig kampeonato. Maniwala kayo sa akin, “ paniguro niya.

 Magugulat kayo! mariing bigkas ni Cong.Bambol.