CSB ANIGATORS, KINILALA BILANG PH REPRESENTATIVE SA HADO WORLD CUP

Latest News

Latest Reviews

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

UAAP Season 82 Women's Basketball : FEU vs Adamson stepladder

Basketball  Far Eastern University wanted it more and came away with the 79-73 win over Adamson to...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

CSB ANIGATORS, KINILALA BILANG PH REPRESENTATIVE SA HADO WORLD CUP

Ang kauna-unahang HADO Pilipinas champion…

 

Tinanghal na kampeon ang De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) AniGators sa kauna-unahang NCAA HADO Pilipinas Tournament Finals na ginanap noong Biyernes (Oktubre 25).

Tinalo ng AniGators ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Crim Pythons para maging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping HADO World Championships sa Tokyo, Japan ngayong Disyembre.

Binubuo ang Anigators nina Niccolo Perez, John Basoc, Jael Dango, Mika Lariosa, at Fiel Julo na tinapos ang torneo na hindi nababahiran ng talo. Handa na silang harapin ang iba’t iba pang koponan ng HADO sa buong mundo para sa premyong nagkakahalaga ng ¥2 million.

Isang inobasyon ang Hado Pilipinas ng ABS-CBN subsidiary na ABS-CBN Themed Experiences, sa pagpapatuloy na paghahandog ng network ng kakaibang karanasan para sa mga Kapamilya. Unang ipinakilala ang nasabing techno sport noong Hulyo sa simula ng ika-95 na season ng NCAA.

Maaari nang masubukan ang HADO sa COSLANDIA 2019 sa SMX Aura sa darating na Linggo (Nobyembre 3). Nalalapit na ring buksan ang inaabangang HADO Camp sa loob ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang detalye, sundan lamang ang @hadopilipinas sa Facebook, Twitter at Instagram. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.Louis Pangilinan