CBA: Manila Sausage Kings nilantakan ang Palayan CC;  Mabalacat Tribes wagi sa Rizaba  

Latest News

Latest Reviews

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

UAAP Season 82 Women's Basketball : FEU vs Adamson stepladder

Basketball  Far Eastern University wanted it more and came away with the 79-73 win over Adamson to...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

CBA: Manila Sausage Kings nilantakan ang Palayan CC;  Mabalacat Tribes wagi sa Rizaba  

  • Basketball 
 
MABALACAT, Pampanga -- Pinayuko ng Manila Sausage Kings ang Palayan City Capitals, 96-92, habang itinumba ng host Mabalacat Tribes ang Rizaba Patriots, 90-73, sa pagsisimula ng Community Basketball Association-Pilipinas Season 2 basketball tournament sa Bren Z. Guiao Convention Center nung Linggo.
     Nagpasiklab sina Ken Tulipas, na gumawa ng 21 puntos at walong rebounds sa 30 minuto ng aksyon at Badje Lescano, na nag-ambag ng 19 puntos mula 7-of-13 shooting,  para sa Sausage Kings.
     Isang 11-3 scoring run ang pinakawalan ng Sausage Kings sa huling mga minuto ng laro upang burahin ang 89-85 kalamangan ng Capitals at agawin ang panalo.
       Nanguna si Renz Alcoriza para sa  Palayan City sa kanyang 19 puntos at five rebounds,  kasunod si Jayvee Ferreria na may 15 puntos at pitong rebounds. 
      Samantala, sumandal ang host Mabalacat sa mainit na mga kamay ni Jay Sierra upang biguin ang Rizaba Patriots sa ika dalawang laro.
      Nagpakitang gilas si Sierra sa harap ng kanyang mga kababayan matapos gumawa ng game-high  28 puntos kasama pa ang 10 rebounds.
      Nagdagdag si Jan Michael Ordona ng 15 puntos para sa Tribes,  na tuluyang umalagwa sa second at third quarters ng sagupaan na itinaguyod nina CBA president Carlo Maceda at consultant Pido Jarencio.
     Para sa Patriots,  namuno sina MJ Dela Virgen at  Michael Villoria,  na kapwa nagtala ng 14 puntos..
     Ang dalawang laro ay nagpasinaya sa 2nd season ng CBA,  na itinuturing ding liga ng lahing Pilipino."
      Una dito,  nag-kampeon ang San Juan Knights sa first season.
 
      Ang mga iskor 
      First game
      Manila Sausage Kings (96) - Tulipas 21, Lescano 19, Santos 14, Tubera 12, Mallari 9, Chongpico 8, Macasling 6, Sencil 3, Nicolas 2, Nitafan 1, Perez 1, Robrigado 0, Paragatos 0, Granpil 0
      Palayan City Capitals (92) - Alcoriza 19, Ferreria 15, Dela Torre 14, Aguirre 12, Maroga 11, Ferrer 9, Juanico 5, Sablan 4, Ocampo 2, Balbin 1, Maurillo 0
      Quarterscores: 23-20, 42-51, 70-74, 96-92
      Second game:
       Mabalacat Tribes (90) - Sierra 28, Ordona 15, Frando 11, Manarang 10, McCallum 8, Ong 6, Aquino 6, Cuasay 2, Rante 2, Sampang 2, Pangilinan 0, Guilalas 0.
      Rizaba Patriots (73) - Dela Virgen 14, Villoria 14, Se 10, Macaballug 6, Villanueva 6, Budomo 6, Dela Rea 5, Diaz 4, De Jesus 4, Oduca 2, Balena 2,  Alvarez 0, Leodones 0, Briones 0.
      Quarterscores: 11-16, 41-36, 63-50, 90-73.PR